Jennylyn kay Derek: Ok ang relasyon namin, mabait siya at komportable kami sa isa't isa | Bandera

Jennylyn kay Derek: Ok ang relasyon namin, mabait siya at komportable kami sa isa’t isa

Jun Nardo |April 14,2019
facebook
share this

Jennylyn kay Derek: Ok ang relasyon namin, mabait siya at komportable kami sa isa’t isa

Jun Nardo - April 14, 2019 - 12:57 AM

DEREK RAMSAY AT JENNYLYN MERCADO

ISA si Derek Ramsay na paboritong leading man ni Jennylyn Mercado kaya naman sobrang saya ngayon ng Ultimate Star dahil Kapuso na rin ang hunk actor.

“Kasi mabait at saka komportable ako sa kanya. Saka maganda ‘yung foundation, ‘yung relationship namin. Maganda ang pagkakaibigan naming dalawa,” pahayag ni Jen sa mediacon ng upcoming romcom series niya sa GMA na Love You Two.

‘Yun nga walang, hindi muna si Derek ang makakaromansa niya sa bago niyang serye kundi si Gabby Concepcion. First time nilang magsasama ni Gabo sa isang proyekto, kaya naman kabado si Jen nu’ng simula ng taping nila.

Kuwento ni Jen, espesyal ang kanilang serye dahil bukod sa kuwento at tema nito ay hi-tech din ang ginagamit nilang equipment sa taping at may mga baguhang staff din sila nakilala.

“Bago ‘yung mga mukha na nakikita namin kasi usually sanay kami na kilala na namin ‘yung mga cameraman, so ngayon iba,” ani Jen.

“Tsaka ‘yung quality ng camera talagang kita lahat e. Kaya kailangan maingat talaga. ‘Yong hibla ng buhok o pores man ‘yan, kailangang takpan,” dagdag niya..

For the first time pala, gumamit ang GMA Drama Group ng digital-motion picture camera system na Alexa at nag-hire din ng director of photography sa katauhan ni Pao Orendain na nakilala bilang cinematographer ng ilang blockbuster movies tulad ng “Sid & Aya: Not a Love Story,” “Shake Rattle & Roll XI,” at “Hintayin Ng Langit.”

Sabi naman ni Gabby, “Iba rin ‘yong adjustment na ginawa ng mga staff, hindi lang kaming mga artista kundi buong production nag-training para rito. It’s the first time na gagawin ng GMA ‘to, kung magiging successful ito, malamang ito ‘yung susundan ng GMA.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending