Sikat na aktor ginagastusan ang bagong dyowa pero anak sa ex-gf na aktres nganga | Bandera

Sikat na aktor ginagastusan ang bagong dyowa pero anak sa ex-gf na aktres nganga

Cristy Fermin |April 14,2019
facebook
share this

Sikat na aktor ginagastusan ang bagong dyowa pero anak sa ex-gf na aktres nganga

Cristy Fermin - April 14, 2019 - 12:09 AM

KILALANG-KILALA ng kanyang mga kaibigan ang isang male personality sa pagiging heneroso. Bongga siyang magregalo sa kanyang girlfriend. Spoiled sa kanya ang girl.

Nu’ng maging magkarelasyon sila ng magandang aktres na anak ng isang sikat na female personality, ayon sa kanyang mga kaibigan ay hindi basta-basta ang mga bulaklak na ipinadadala niya sa dalaga, puro imported ‘yun na libo-libo talaga ang halaga.

Kuwento ng aming source, “Per stem ang usapan du’n, ha? Hindi ‘yung arrangement ng flowers. Ang bawat stem ng bulaklak, libuhan ang amount.

“Pero wala siyang pakialam, talagang ginagastusan niya ‘yun, kaya sabi ng mga friends niya, e, siya na ang youngest D.O.M..

“Ganu’n siya ka-generous sa kahit sinong nakakarelasyon niya, super-bongga talaga siyang magregalo, lumalabas ang datung niya, ganu’n siya karomantiko!” simulang chika ng aming impormante.

Pero sa magandang katangiang ‘yun ng male personality ay maraming nagbibigay ng reaksiyon. May mga nagsasabing du’n lang siya magaling, pero sa pagsusustento sa anak niya sa isang aktres, kailangan pa siyang kalampagin.

Patuloy ng aming source, “Oo nga, bakit nga kaya siya ganu’n? Gumagastos siya sa pagreregalo sa karelasyon niya, pero ang anak niyang naghihintay na maalala niya, e, parang wala siyang pakialam?

“Hindi niya regular na napapadalhan ng sustento ang anak niya. Malaki na ang anak niya, naghahanap na, nagtatanong na tungkol sa father niya.

“Kung ‘yun ba namang ginagastos niya sa pagbili ng mga regalo sa karelasyon niya, e, ipinadadala na lang niya sa anak niya, di wala sanang kumokontra sa pagiging generous lover niya!

“Kaso, bonggang-bongga siyang magregalo sa girlfriend niya, pero gutom naman ang anak niya sa sustento at attention, lumalabas tuloy ang pagiging iresponsable niya.

“Naku, ayaw ni general ng ganyan! Ang galing-galing pa naman niyang umarte, guwapo pa naman siya, pero pinababayaan niya naman ang anak niya!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang magaling umarteng male personality na ito, kalaban niya si general.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending