Jericho apektado sa sinabi ng jeepney driver at gwardiya
JERICHO Rosales may have said na he’s quitting on doing soap operas but he will still pursue acting.
All he wanted to do is to try new things as new avenues and platforms are available.
“Meron lumalapit sa akin na jeepney driver, security guard. Tanong nila, ‘idol, kailan ka mag-a-action? Kailan ka gagawa uli ng Panday o ng Manny Pacquiao, o ng ganito. Idol, ‘wag ka nang umiyak.’ Alam mo ‘yun? Napapansin ko na nagkakaroon ng pattern sa kanila and I just want to eliminate that.
“With the availability of iWant, Netflix at kung anu-ano, feeling ko ay ang dami kong puwedeng gawin. Pinag-uusapan lang natin kung ano ang puwede nating gawin na bago, ‘yung talagang bago peor not to stop acting. I will never stop acting. I can get into producing, writing, directing,” he said sa finale presscon ng Halik.
“Direk Ruel (Bayani) has been asking me to direct. Sabi ko, give me time to collect my thoughts muna. They have welcomed me into the creative team. Parang this time it is my responsibility to repackage my ano, do something new muna.
“Matagal ko nang sinasabi ito pero nagkaroon ng Legal Wife, nagkaroon ng Magpahanggang Wakas, nagkaroon ng Halik.
“Kung naiiintidihan ako ng lahat, iyon ang ibig kong sabihin. It’s not because ayoko na, pagod na pagod na ako sa industriya na ito. Actually, no. I am actually inspired and excited to work with something new,” paliwanag niya.
Mas matindi at mas palaban ang magiging tapatan nina Lino (Jericho), Jade (Yam Concepcion), Jacky (Yen Santos), at Ace (Sam Milby) ngayong pagdaraanan nila ang pinakamatitinik na hamon na pilit maglalayo sa kanila sa pagmamahal at karapatang kanilang inaasam sa huling dalawang linggo ng Halik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.