DLSU Lady Spikers nahablot ang UAAP volley semis berth

By Melvin Sarangay April 13,2019
share this

DLSU Lady Spikers nahablot ang UAAP volley semis berth

By Melvin Sarangay April 13,2019
share this

MULING ipinamalas ng De La Salle University Lady Spikers ang mahusay na paglalaro matapos na muling dominahin ang Ateneo de Manila University Lady Eagles, 25-17, 25-13, 25-23, at masungkit ang silya sa Final Four ng UAAP Season 81 women’s volleyball Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ang panalo ng La Salle ay ikaapat na sunod nito at naghatid sa Lady Spikers sa 9-3 kartada.

Bunga ng pagkatalo, nahulog ang Ateneo sa 10-2 record at nanatiling nakatutuok sa twice-to-beat incentive at nangangailangan na lamang magwagi ng isa sa dalawang nalalabi nilang laro na kontra Adamson University at University of the East.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending