Male celeb mas pinili ang dyowa kesa sa malaking talent fee na kikitain sa show | Bandera

Male celeb mas pinili ang dyowa kesa sa malaking talent fee na kikitain sa show

Cristy Fermin - April 13, 2019 - 12:45 AM

ANG katigasan ng ulo kapag nai-in-love ang palaging nagiging dahilan ng pagkokontrahan ng isang male personality at ng kanyang manager.

Kapag may karelasyon ang aktor ay parang nakalilimutan niya na ang kanyang propesyon.
Alagang-alaga naman sa payo at pangaral ng manager ang kanyang alaga, pero talagang kapag in-love na ang aktor, lahat ay tablado na.

“Ibang klaseng magmahal ang lalaking ‘yun, talagang bigay na bigay! Kahit may trabaho siya nang maaga kinabukasan, kapag sinabi ng girlfriend niya na huwag muna siyang uuwi, wala siyang reklamo!

“Basta sinabi sa kanya ng girl na gustong magbakasyon sa isang kilalang resort, walang palag ang male personality, ipangungutang niya ‘yun para lang mapaligaya ang kanyang girlfriend.

“Ganu’n siya magmahal. Pati nga ang pangalan niya, kundi mo ipaaalala kung sino siya, e, baka makalimutan na rin niya kapag in-love siya!” simulang chika ng aming source.

Kahit ang kanyang pamilya ay walang magawa kapag nakikipagrelasyon na ang male personality.

Wala siyang pakialam sa kahit ano, basta nakatutok lang ang kanyang oras sa babaeng mahal na mahal niya, kaya napababayaan niya ang maraming oportunidad sa kanyang career.

Patuloy ng aming impormante, “Kunwari, kinukuha siyang maging performer sa isang provincial show, malaki ang talent fee niya, pero kaya niyang tablahin ‘yun kapag ayaw siyang payagan ng girlfriend niya!

“Ano bang kailangan niya na datung? E, ano ba kung nanghihinayang ang family niya at ang manager niya sa malaki sana niyang kikitain sa pagkanta at pagkaway lang sa stage?

“Wala siyang pakialam du’n, ang pakialam lang niya, e, ang girlfriend niya na ayaw siyang magpunta sa malayong lugar dahil sobrang mami-miss siya!

“Kaya niyang ipagpalit ang lahat-lahat para sa babae, ibang klase talagang ma-in-love ang guy na ito!

Ayun, sa sobrang inis na, binitiwan na siya ng manager niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At ang male personality naman na produkto ng isang talent search, tuloy-tuloy lang sa kaligayahan kasama ang kanyang girlfriend na palaging humaharang sa paglaki ng kanyang name!

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilala n’yo kung sino ang male personality na ito. Mr. Pogi siya, di ba?” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending