‘Glorious’, ‘Bagman’ No. 1 sa iWant
Tinanong namin ang production manager ng Dreamscape Digital for iWant na si Ms. Ethel Espiritu pagkatapos ng special screening ng bago nilang digital series na Jhon En Martian kung ano ang most viewed series ngayon.
“Glorious pa rin,” kaswal niyang sabi sa amin.
Tinanong namin kung may sequel o prequel o season 2 na ang “Glorious” nina Tony Labrusca at Angel Aquino. Sagot niya, “As of now, wala pa, hindi siya puwedeng magkaroon ng season 2 kasi movie siya, unlike pag series puwede lalo na kung most viewed.”
Sa pagkakaalam namin, ang most viewed series ngayon sa iWant ay ang Bagman ni Arjo Atayde na may 12 episodes na, so, ibig sabihin may season 2?
“Hmmmm, kanino mo nalaman? Ask natin si sir Deo (Endrinal, business unit head),” sagot sa amin.
Kung kami ang tatanungin, dapat talagang magkaroon ng season 2 ang Bagman ni Arjo dahil unang-una hindi naipaliwanag mabuti kung paano siya naging gobernador sa kuwento at kung sino ang mga taong nasa itaas na ginamit siya para umupo sa puwesto. At kung bakit siya pinatay base sa ipinakita sa ending nito.
Anyway, bago magkaroon ng season 2 ang Bagman at sequel o prequel ang “Glorious” ay panoorin n’yo muna ang iba pang digital series sa iWant, tulad ng Jhon En Martian na magsisimula na bukas, Abril 14 na idinirek ni Victor Villanueva produced by Dreamscape Digital, Quantum Films at Proj. 8 Corner San Joaquin Projects.
Bida sa John En Martian sina Arci Muñoz, Pepe Herrera, Rufa Mae Quinto, Mon Confiado, Jojo Alejar, Aiko Climaco, Jelson Bay, Joel Saracho, Dolly de Leon, TJ Valderama at Emman Nimedez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.