‘Hanggang Saan’ nina Sylvia at Arjo gagawan ng version sa Turkey | Bandera

‘Hanggang Saan’ nina Sylvia at Arjo gagawan ng version sa Turkey

Bandera - April 12, 2019 - 01:00 AM

Laarni Yu, Macie Imperial, Hayri Aslan at Idil Belli

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang crime suspense serye nitong Hanggang Saan, na pinagbidahan ng mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, ay nakatakdang magkaroon ng lokal na bersyon sa Turkey, matapos naisara ang deal ng ABS-CBN sa Limon Yapim, isang nangungunang content production company sa Turkey.

Tatawaging A Mother’s Guilt ang bersyon ng Turkey ng Hanggang Saan na inaasahang magsisimula ang shooting ngayong second quarter ng 2019. Isa rin itong milestone para sa Kapamilya network dahil bukod sa co-producer ang ABS-CBN sa local adaptation, ito rin ang kauna-unahang format buy ng ABS sa Turkey na isang patunay na patuloy na lumalakas ang presensya ng mga programa ng network abroad.

Napapanood sa mahigit 50 na teritoryo ang mga programa ng ABS-CBN. Nakapagtala naman ang ABS-CBN ng higit sa 50,000 oras na naibentang palabas sa buong mundo.

“Patunay na naman na ang gagawing bersyon ng Hanggang Saan sa Turkey na tinatangkilik ng dayuhang viewers ang kwentong Filipino dahil laging nakaangkla sa pandaigdigang tema na pagmamahal sa pamilya ang ating mga kwento. Sabik na kaming mapanood ng mga manonood sa Turkey ang ‘A Mother’s Guilt,” ani Laarni Yu, ABS-CBN International Distribution EMEA sales head.

Mga magagaling na aktor at aktres sa Turkey ang napupusuang gampanan ang papel ng mga karakter sa teleserye tulad nina Sonya (Sylvia) at Paco (Arjo).

Naganap ang contract signing ng ABS-CBN at Limon Yapim sa Cannes, Frances sa MIPTV, isang international event para sa mga kompanya na nasa larangan ng content development at distribution.

Dinaluhan ito ng nina Laarni Yu, ABS-CBN, Macie Imperial, ABS-CBN International Distribution Vice-President and Division Head; Hayri Aslan, Limon Production CEO, at Idil Belli, Sera Films General Manager.

Isang kilalang production company sa Turkey ang Limon Yapim.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending