Kathryn, Alden nagpatikim ng mga eksena sa ‘Hello Love, Goodbye’, rumampa sa palengke ng HK
Lumabas sa isang Facebook Page (Kapamilya Kingdom) ang ilang photos na kuha sa shooting ng “Hello, Love, Goodbye” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Parang sa palengke ang shooting ng dalawang bida at deglamorized ang look ni Kath sa simpleng suot na jeans at blouse with matching bitbit na supot na may lamang pinamili.
Gandang-ganda pa rin sa dalaga ang kanyang fans kahit na ganu’n ang kanyang itsura, base na rin sa comments sa FB page.
Guwapung-guwapo naman ang mga netizens kay Alden na naghahanda na sa kanyang mga eksena with Kathryn.
Simpleng yellow t-shirt lang din ang suot ni Alden habang waiting sa kanyang cue kasama ang staff ng production.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.