Darren Espanto na-shock sa brutal na pagpatay sa dating road manager | Bandera

Darren Espanto na-shock sa brutal na pagpatay sa dating road manager

Ervin Santiago - April 10, 2019 - 11:22 AM

DARREN ESPANTO

SHOCKED pa rin hanggang ngayon ang young Kapamilya singer na si Darren Espanto sa brutal na pagpatay sa kanyang kaibigan at dating road manager.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Darren ng mensahe para sa kanyang “Ate Karen”. Ang tinutukoy niya ay si Carmencita Pelayo-Hernandez na natagpuang patay sa kanyang bahay sa Mabalacat City, Pampanga kamakailan na tadtad ng saksak at may tama pa sa ulo.

Ang isa pang kasamahan ni Karen na si Karwin Guevarra ay natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen na puro saksak din sa katawan. Ang kaibigan naman nilang nakilala lamang sa pangalang si Regine ay nakaligtas sa malagim na insidente.

Ayon sa police report, magwi-wirthdaw sana sina Karen at Karwin ng pera sa ATM at nakatakdang makipagkita kay alyas Regine na itinuturing na ngayong suspek sa krimen dahil sa inconsistent nitong statement sa mga imbestigador.

“May kukunin silang pera. Bali yung bank account nung dalawa doon, ipapasok yung pera, ‘yun yung sinabi ng asawa ko,” ayon sa asawa ni Karen na si Mark John.

Pahayag naman ni Police Staff Sergeant Roldan Tababa, “Ang una niyang kuwento sa imbestigador, siya raw ay pinalo ng unidentified suspect na-unconscious siya. Nagtulug-tulogan. Pagkagising niya ganun na nangyari.

“Paniwala ng imbestigador, inconsistent yung ibinigay niyang information. May mga nakitang galos sa kaniyang katawan, sa kaniyang mga kamay, sa kaniyang mga paa, parang self-inflicted,” paliwanag ng pulis. Nakatakda nang kasuhan ng double murder ang suspek.

Sinabi naman ng tatay ni Karen na si Leonardo Sr., matagal nang magkaibigan sina Karen at Regine pero sa pagkakaalam niya may utang ang suspek sa kanyang anak.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Darren sa nangyari sa kanyang dating road manager. Nag-post siya ng litrato nila together sa Instagram na may caption na: “I still couldn’t believe the news of your passing, ate Karen. Nanginginig ako hanggang ngayon kasi ‘di ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Actually, ayaw ko maniwala sa totoo lang. Sobra kasing masakit. Napakabuti mong tao.”

“You are family to us… You will forever be my ‘Ate Karen.’ I will keep all the memories that we had through the good times and the bad and I will always remember the things you’ve taught me in the past. I love you so much and I’ll keep you close to me heart always (sic),” dagdag pa ng Kapamilya young singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending