Angelica umaming buntis, malapit nang manganak | Bandera

Angelica umaming buntis, malapit nang manganak

Ambet Nabus |April 10,2019
facebook
share this

Angelica umaming buntis, malapit nang manganak

Ambet Nabus - April 10, 2019 - 01:05 AM

ANGELICA PANGANIBAN

Gustung-gusto talaga namin kapag nakikipag-eklayan si Angelica Panganiban sa kanyang mga social media followers and bashers alike.

Kering-keri nitong makisakay sa mga pintas ng haters gaya ng pakikipag-play time niya kamakailan sa isang netizen na nagtanong kung buntis ba siya. Medyo may kalakihan daw kasi ang tiyan niya sa isang litratong ipinost niya sa Instagram.

Kesa nga naman magpakanega siya at pahabain pa ang pakikipagtarayan sa kanyang followers, sinakyan na lang ng Kapamilya actress ang harsh comment ng basher at sinakyan ang gusto nitong marinig mula sa kanya.

Talagang buong ningning niyang inamin na buntis siya at malapit nang manganak! Ha-hahahaha! Taray ni Angelica, di ba? Kaya hayun, tumigil agad ang supalpal na basher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending