PLDT, Cignal asinta ang PSL Grand Prix semifinals | Bandera

PLDT, Cignal asinta ang PSL Grand Prix semifinals

Melvin Sarangay - April 08, 2019 - 07:21 PM


Laro Martes (Abril 9)
(Filoil Flying V Centre)
4 p.m. PLDT vs Generika-Ayala
6 p.m. Cignal vs United VC

SAMAHAN ang Petron Blaze Spikers sa semifinals ang puntirya ng PLDT Power Hitters at Cignal HD Spikers sa pagsagupa sa kanilang mga katunggali sa quarterfinals ng 2019 Philippine Superliga Grand Prix Martes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Hawak ang twice-to-beat na bentahe, asinta ng Power Hitters na makabalik sa semis sa paghaharap nila ng Generika-Ayala Lifesavers ganap na alas-4 ng hapon habang makakasagupa ng HD Spikers ang United Volleyball Club dakong alas-6 ng gabi na main game ng prestihiyosong women’s club league na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Ang Petron, na winalis ang classification round para maging top seed sa quarterfinals, ay pinatalsik agad ang Sta. Lucia Lady Realtors noong Sabado para maging unang koponan na nakapasok sa best-of-three semifinal series.

Hindi naman pinalad ang matinding karibal ng Blaze Spikers na F2 Logistics Cargo Movers na makausad agad sa semis matapos daigin sa loob ng limang set ng Foton Tornadoes sa kanilang quarterfinals match.

Optimisko naman ang Generika-Ayala at United VC na makakahirit ng rubber match kung makakapagpakita ng mahusay na paglalaro sa kanilang laban.

Ipaparada rin ng United VC ang kanilang bagong import ns si Thai star Sutadta Chuewulim sa hangaring buhayin ang tsansang makalaro para sa titulo matapos mabigong makasungkit ng quarterfinals bonus.

Si Chuewulim, na pinalitan si Tai Manu-Olevao, ay hindi na bago sa paglalaro ng volleyball sa bansa dahil nakapaglaro na siya para sa Cagayan Valley sa Shakey’s V-League bago sumabak para sa guest team na EST Cola sa 2016 PSL Invitational Conference.

Hindi naman magiging madaling kalaban ang HD Spikers dahil ang mga import nitong sina Erica Wilson at Anastasiya Artemeva ay mahusay na naglalaro katuwang ang mga local star na sina Rachel Anne Daquis, Acy Masangkay, Mylene Paat at Janine Navarro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending