Lea sa papalit kay Liza bilang Darna: Dapat kayumanggi siya, hindi pa masyadong sikat
NAGLABAS din ng kanyang opinion ang Broadway superstar na si Lea Salonga kung sino ang gusto niyang makita bilang bagong Darna.
Umatras na kasi sa project si Liza Soberano sanhi ng aksidenteng tinamo sa kanyang daliri noong ginagawa niya ang huli niyang serye.
Tweet ni Lea, “So, what would I love to see as Darna? Someone more morena or kayumanggi to represent the darker skinned Pinays to let them know they are powerful and beautiful exactly as they are.
“I’d also love for her to be a relative unknown. Let the story sell the film. That’s all,” sabi pa ni Lea.
Sa totoo lang, hindi pasok si Liza sa wish ni Lea dahil mestiza ito. Tama rin siya na ang kuwento ng pelikula ang gawing bentahe dahil kilala na ng mga Pinoy si Darna at may following na ito.
Sa pagbitaw ni Liza sa project, umugong sa social media ang pangalan ni Nadine Lustre. Siya raw ang perfect to portray Darna sa movie because of her skin, not to mention the fact na seksi rin ang dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.