Netizen na adik sa ‘Sahaya’ nagreklamo sa DepEd
Patuloy na umiinit ang pagtanggap ng mga manonood sa GMA Telebabad series na Sahaya na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Bukod sa mataas na rating nito sa primetime, talagang gabi-gabing pinag-uusapan ang mga eksena rito, lalo na ang pambu-bully kay Sahaya (Bianca) ng kanyang mga kaklase.
Inis na inis ang mga viewers sa mga mean girls sa school nina Sahaya pati sa principal nila, talagang affected sila sa ginagawang panglalait at pangdi-discriminate sa dalaga.
At alam n’yo ba, nang dahil sa galit ng isang avid viewer ng serye lalo na sa pandarayang ginagawa ng principal kay Sahaya ay nagsumbong ito sa Facebook page ng Department of Education (DepEd).
Sa Facebook account ni Kevin Beethoven, naka-post ang screenshots ng kanyang pinadalang reklamo sa DepEd. Talagang nagsumbong siya na magkasabwat daw ang principal at si Farida (kaklase) sa panloloko sa school at si Sahaya raw ang karapat-dapat na maging valedictorian.
Sa nakaraang episode kasi ng serye ay parehong naka-perfect score sina Sahaya at Farida sa quiz bee, kaya nagkaroon ng tiebreaker question si Mayor Dante.
Ang sagot ni Sahaya ang kanyang nagustuhan, dahilan para ito ang kanyang piliin na maging valedictorian. Patuloy na subaybayan ang Sahaya gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.