True ba, Coco, Julia may baby na?

By Julie Bonifacio April 04,2019
share this

True ba, Coco, Julia may baby na?

By Julie Bonifacio April 04,2019
share this

JULIA MONTES AT COCO MARTIN

KALMA lang si Coco Martin sa mga naglabasang picture nila ni Julia Montes sa social media na may kasamang baby.

In fairness, mukhang bagay namang hubby and wifie sina Coco at Julia base sa mga litratong nakita namin at sigurado kami na super cute ng magiging baby nila.

Sa true lang, until now ay tahimik lang ang lovelife ni Coco pero ang paniwala ng marami ay matagal na silang magkarelasyon ni Julia. Hintayin na lang natin na magsalita ang dalawa about their relationship at kung totoo bang may baby na sila.

Sa kalagayan ng buhay ni Coco ngayon, kering-keri na niyang mag-pamilya. Sobrang ingat at napaka-private lang siguro ng aktor kaya ‘di masyadong napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Julia.

Sobrang nae-enjoy lang marahil ni Coco ang paggawa ng teleserye at pelikula. Tila marami pa siyang gustong gawing proyekto gaya ng iniidolo niyang action star na si Da King Fernando Poe, Jr..

Speaking of FPJ, nagsimula na si Coco na sumama sa kampanya ng anak na senador ni Da King na si Grace Poe. Tumatakbong muli bilang independent candidate for senator si Grace.

Dinumog si Coco ng fans during the motorcade ni Sen. Grace sa Davao Queen last Sunday. Kasama ni Coco sa motorcade ang eldest son ni Sen. Grace na si Brian Poe Llamanzares. Knows naman ng marami na malapit si Coco sa pamilya ng senadora dahil na rin kay Ms. Susan Roces na kasama ng aktor sa Ang Probinsyano.

Hindi nakarating si Sen. Grace sa ginanap na motorcade dahil um-attend siya sa proclamation ng kaibigan niyang si Chiz Escudero who is running naman for governor sa Sorsogon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending