Pagcor nagbigay ng P842 milyon para sa pagkumpuni ng SEAG playing venues | Bandera

Pagcor nagbigay ng P842 milyon para sa pagkumpuni ng SEAG playing venues

Dennis Hilanga - April 02, 2019 - 03:55 PM
SA hangarin na matulungan ang  Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) sa paghahanda para sa 30th Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas umpisa Nobyembre ay  nagbigay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ng P842 milyon sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagsasaayos ng ilang government-owned sports facilities. “Pagcor had appropriated P842 million today to repair Ninoy Aquino Stadium, Rizal Memorial Coliseum and Ultra (now Philsports Arena),” sabi  ni PSC chairman Wiliam Ramirez sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes ng umaga sa Amelie Hotel, Malate, Maynila. “We are making sure that there are 10 to 12 government sports facilities ready to assess and help the preparation of Phisgoc,” dagdag ni Ramirez. Nakatakdang ikumpuni ang   Ninoy Aquino Stadium at Rizal Memorial Coliseum sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila kung saan maaari itong gamitin para sa  indoor sports gaya ng basketball at volleyball. Pagagandahin din ang gymnasium sa Ultra pati na rin ang swimming pool at track oval sa RMSC. Gagamitin din ang perang bigay ng Pagcor sa patuloy na pagsasaayos ng athletes’ dormitories, toilets, dining hall, nutrition hall, medical building at maging ang paglalagay ng air-conditioning system at pagpapatayo ng ecumenical chapel sa RMSC. Sinabi pa ni Ramirez na ang  mga aayusing sports facilities ay handa nang gamitin sa  Setyembre bilang mga ‘‘supplemantary venues” para sa  Sea Games. Nilinaw ni Ramirez na ang perang ibibigay ng Pagcor ay bukod pa sa buwanang inilalaan nito para sa PSC na sang-ayon sa batas. Hindi rin aniya totoo na umaatras na sa pagho-hosting ang Pilipinas sa 30th SEA Games dahil sa kakulangan ng venue. “I don’t see any problem with that. If in case there’s some problem with other venues the government can easily have rental just like what we did on previous one,” sabi ni Ramirez. “Phisgoc is directing us. I think the Clark facility is ready by November 30 and other venues that are scheduled.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending