Vice napamura dahil kay Calvin: Na-stress ako, kumulo sikmura ko!
NA-hot seat si Vice Ganda sa sarili niyang show last Sunday nang maging guest niya sina Charo Santos at Bea Alonzo.
Sa segment na “Tanong Mo Mukha Mo” ng Gandang Gabi Vice, huling ipinakita ang litrato ng PBA player na si Calvin Abueva na sinasabing last boyfriend ni Vice.
“Hindi naman siya kilala ni Ma’am Charo,” hirit ni Vice pero sumagot ang veteran actress ng, “Kilala ko naman siya, do not underestimate me.”
Unang tanong ni Bea sa litrato ni Calvin. “Ako isa lang. short but sweet…Bakit?”
Sundot naman ni Charo, “Calvin, may chance pa ba?”
Tila nalukot ang mukha ni Vice sa tanong ni Charo kaya nag-dialogue pa ang MMK host ng, “Sandali, hindi pa ako tapos… na mabigyan ng jersey mo?”
“Ahh, mabait po yan mamimigay po yan ng jersey, tatawag ko po yan sa kanya,” sagot ni Vice.
Singit uli ni Charo, “Pero bakit yung reaksyon mo nung sinabi kong…hindi ka ngumiti ha.”
“Kumulo yung sikmura ko… na-stress ako. Dinispepsia ako ng bongga!” hirit naman ng Unkabogable Star.
At nang hingan ni Bea ng tanong si Vice para kay Calvin, ang simpleng hugot ng TV host-comedian ay, “Miss me?” na sinundan na tawanan at sigawan ng studio audience.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.