Pulitika sa MM umuusok na | Bandera

Pulitika sa MM umuusok na

Jake Maderazo - April 01, 2019 - 12:18 AM

NASA 44 na araw na lang at eleksyon na. Bugbog sa kampanya ang mga kandidato at botante na ang pahinga lamang ay Huwebes Santo, Biyernes Santo at sa bisperas ng halalan.
Kaliwa’t kanan ang banatan ng bawat kampo, habang maraming “political alliances” ang sinisemento ng mga magkakampi o kahit magkakalaban. Kung maniniwala kayo sa mga “unofficial” at “non-commissioned surveys” na lumalabas, magiging mahigpitan ang labanan sa Maynila, San Juan, Malabon at Navotas.
Sa Maynila, nakalalamang si Isko Moreno pero mahirap balewalain ang orga-nisasyon at pondo nina Erap at ex mayor Alfredo Lim sa “ultimo-ora” o bago mag-eleksyon. Sa San Juan, balikatan ang laban nina dating vice Mayor Francis Zamora kontra kay Janella Ejercito na anak ni Senador Jinggoy Estrada.
Mahigpit din ang laban nina Malabon Ma-yor Lenlen Oreta at Jeannie Sandoval (asawa ni Congressman Ricky Sandoval) samantalang interesante rin sa Navotas sa pagitan nina Congressman Toby Tiangco kalaban ang baguhang Dan Israel Ang.
Sa ibang lugar, matinding sorpresa na lang ang tatalo sa mga nangungunang kandidato tulad sa Valenzuela (Rex Gatchalian), Pasig (Bobby Eusebio), Makati (Abby Binay), Quezon City (Joy Belmonte), Las Pinas (Imelda Aguilar) , Marikina (Marcelino Teodoro), Mandalu-yong (Menchie Abalos), Caloocan (Oscar Malapitan), Pasay (Rep. Emy Calixto-Rubiano), Muntinlupa (Jaime Fresnedi), Pateros (MIke Ponce) at Taguig (Lino Cayetano).
Sa labanan sa Kongreso, mahihirapang matalo sina Ex-VP Jojo Binay sa first district Makati, Rep. Bayani Fernando ng first district-Marikina, Queenie Gonzales ng Mandalu-yong, Eric Olivares ng first district at Gus Tambunting ng
second district-Paranaque, Ruffy Biazon ng Muntinlupa, Tony Ca-lixto ng Pasay, Wes Gatchalian ng first district-Valenzuela, at ang mag-asawang sina Lani at Alan Peter Cayetano sa una at ikalawang distrito ng Taguig-Pateros.
Doon sa Las Pinas, si Camille Villar, anak nina Manny at Cynthia, ay tatakbo at pihadong mananalo.
Sa San Juan, makakaharap ng hindi pa natatalong Congressman Ronnie Zamora ang sikat ngayon sa “Probinsyano” na si Edu (VP Lucas Cabrera) Manzano. Sa Pasig, babalik si dating Rep. Roman Romulo (natalo noon sa Senado) at ngayo’y kalaban ang incumbent na si Rep. Ricky Eusebio.
Sa Maynila, ang nakakasiguro lamang ay ang magkapatid na sina Atty Alex Lopez sa Tondo-2 at Rep. Manny Lopez sa Tondo-1, Yul Servo-Nieto sa third district at Pastor Benny Abante sa sixth district.
Balikatan sa aming fourth district sa Sampaloc, Rep.Edward Maceda vs, “comebacking” Trisha Bonoan-David samantalang sa fifth district, face-off sina Rep. Cristal Bagat-sing, anak ni Amado kalaban si Ali Atienza, anak naman ni Lito Atienza .
Sa QC, sina Allan Reyes (third district) , Alfred Vargas (fifth district), Bong Suntay (fourth district), Kit Belmonte (sixth district) at Precious Castelo (second district) ang mas may malaking tsansang manalo. Ang labanang Onyx Crisologo vs. Tita Beth Delarmente, na parehong councilor topnotchers sa unang distrito, ay bantayan ang labanan.
Sa ngayon, wala pang lugar sa Metro Manila ang inilagay sa “Comelec control” at wala pa ring dinedeklara ang PNP na “election related violence”. Sana magtuluy tuloy nang mapayapa hanggang araw ng eleksyon.

Pakinggan at panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes-Biyernes at mag-email sa [email protected] para sa comments.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending