Coco, Yassi mas naging close pa sa isa’t isa, nagkakasundo sa ahas
AMINADO si Yassi Pressman na bothered siya noong inaakusahan ng mga bashers na siya raw ang dahilan kung bakit nagselos at umalis ng bansa si Julia Montes.
Ang sitsit kasi, matindi ang selos ni Julia kay Yassi dahil sa kakaibang sweetness daw nila ni Coco Martin kapag nasa set ng Probinsyano.
“Yes po, medyo nag-alala rin po dahil hindi naman po talaga ako kasali (sa isyu nina Coco at Julia),” ayon kay Yassi sa panayam ng Tonight with Boy Abunda.
Pero natutunan na raw ng aktres na tanggapin ang mga ganitong klase ng tsismis. Hindi rin daw apektado ng mga intriga ang friendship nila ni Coco.
Kuwento pa ni Yassi, isa sa pinagkakasunduan nila ngayon ni Coco ay ang pag-aalaga nila ng ahas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.