GMA writer nagpaliwanag sa ‘kidnapan scene’ sa Sahaya | Bandera

GMA writer nagpaliwanag sa ‘kidnapan scene’ sa Sahaya

Alex Brosas - March 31, 2019 - 01:05 AM

BIANCA UMALI AT MIGUEL TANFELIX

Halatang napikon si Suzette Something, writer ng GMA 7, sa hanash ng isang guy.

Nagpatutsada kasi ang guy sa teleserye ni Aling Suzette, bagay na pinatulan naman ng pikong writer.
“@suzidoctolero nag research ba kayo ng lifestyle of the badjaos? Ang daming inconsistencies sa show,” say ng guy.

“Mga writers ng GMA pare pareho sinusulat, puro kidnap kidnap lang naiisip parang Onanay at Toda One I Love, ngayon Sahaya naman wala ba kayo ibang maisip? Kaya kayo natatalo ng ABS eh,” dagdag pa niya.

“Weh? Kidnap. Punta ka doon saka mo sabihin sa akin walang kidnap ha?” sagot ni Suzette.

“Nakapunta ka na ba doon? Talagang gumawa ka ng account na ito para manira? Lol. At ano alam mo?” sunud-sunod na say ni Aling Suzette.

“Nung nagpunta kami doon me mga military escort kami. Nakakatakot kasi ang ASG, nangingidnap. Pag walang pantubos, putol ulo.”

“May nagrereklamo e bakit daw me kidnap sa Sahaya? Kung kelan tama ang gamit namin. Asan ang abu sayaf ba? Asan ang setting ng Sahaya? Try mo mamangka doon, kungdi ka makasalubong ng pirata.

Maka epal lang si koya, gumawa pa ng acct para mang troll hehe,” dagdag pa ng GMA writer.

Hindi rin naman maganda ang comments ng netizen sa show ni Aling Suzette.

“Di maganda teasers nila. Watching the show, they have so many beautiful scenes, touching moments.

Even the actors, from Jasmine Curtis to Mylene Dizon to Bianca Umali, marami ring magagandang acting moments. Pero yung teasers nila, sabog sabog ang messaging. Ni hindi ma-communicate kung anong dapat mong abangan sa show.

“They kept on saying ‘babaeng pinagpala’ alluding to the fantasy element and making people think na fantaserye ito. It’s more than that. Basta, yung weight nung show at yung ganda ng pagkakasulat, di nila matranslate into good and effective teasers.”

“Ewan nga di ba? bakit 2nd rated lang mga nakukuha nilang talent kaya kahit quality at hindi gasgas ang mga palabas nila eh waley. katamad kasi panoorin dahil sa mga artist nilang walang kalatuy latuy.”

“Ganyan talaga yan, you reap what you sow Madam Suzette Patolero. hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Formulaic na kasi masyado yung pinakidnap ng antagonist ang bida tapos rereypin na plotline. Nagiging typical soap opera na naman ang dating. Pwede namang maging kontrabida without resorting to violence.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending