Hamon ng madlang pipol sa PDEA: Pangalanan na ang lahat ng artistang sangkot sa droga | Bandera

Hamon ng madlang pipol sa PDEA: Pangalanan na ang lahat ng artistang sangkot sa droga

Alex Brosas - March 31, 2019 - 12:55 AM

Palaisipan pa kung papangalanan ang ilang celebrities na sangkot diumano sa drugs.

Inilabas na sa media na may listahan ang PDEA ng mga celebrities na nagda-drugs. But until now ay wala pa silang inilalabas na mga pangalan. Hati tuloy ang mga tao kung pabor sila o hindi sa paglalantad ng mga actor at actress na imvolved sa drugs.

“Bakit ganito sa Pilipinas mga sure na sila sa mga nagda drugs di nila masabi pero wag ka pagdating sa ordinaryong tao suspect palang patay na. Sasabihin nanlaban.”

“Dba dapat mag concentrate muna sila sa mga drug lords kc yan naman ang dahilan kung bakit may mga pushers and users!!!”

“Dapat sabihin na ninyo ng malaman sa publiko. Bakit pa tinatago porque ba sikat at mayayaman eh yong mga mahirap madali nyo lang birahan at patayin.”

“Kung user lang po at hindi DRUGLORD. please lang po wag sila ang habulin nyo. Alam nyo for sure at alam nyo nasaan sila. Sila ang i expose nyo kahit anong habol at pag patay nyo sa mga user di matatapos yang WAR ON DRUGS NYO KUNO. NILILIGAW NYO ANG BAYAN SA KATOTOHANAN.”

Kung kami ang tatanungin, okay lang pangalanan ang celebrities na durugista.

Kaya lang, bakit hindi pinapangalanan ang mga corrupt officials?

Ang daming magnanakaw sa gobyerno na dapat isapubliko ang mga pangalan para hindi sila pamarisan.

Dapat hiyain din ang mga walanghiyang corrupt na ‘yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending