Pahirap ang TRAIN law ni Sonny Angara | Bandera

Pahirap ang TRAIN law ni Sonny Angara

Bella Cariaso - March 31, 2019 - 12:15 AM

SA pagtakbo muli ni Senator Sonny Angara sa Senado, hindi dapat kalimutan na isa siya sa pangunahing may-akda ng kontrobersiyal na Tax Reform for Acceleration (TRAIN), na nagdudulot ng pahirap sa bayan.

Lahat ay apektado ng masamang dulot ng TRAIN law at bilang nagpapakilala sa mga botante, dapat akuin ni Angara na kabilang siya sa may utak ng kontrobersiyal na batas na siyang dahilan kung bakit hindi mapigilan ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kung babalikan natin, si Angara ang nagtrabaho para matiyak na maipasa ang TRAIN Law sa 17th Congress.

Naipasa ang kontrobersiyal na batas noong 2017 at sinimulang ipatupad Enero 2018.

Sa ilalim ng batas, pinatawan ng karagdagang buwis ang mga inuming may asukal at produktong petrolyo.

Pinatawan ng excise tax na P2.50 ang lahat ng oil products noong 2018 at karagdagang P2 naman ngayon 2019.

Ang resulta, sunod-sunod at hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis.

May palusot pa si Angara, na hindi ang TRAIN ang nagpapataas ng presyo ng produktong petrolyo kundi ang dikta ng world market.

Minamaliit pa ni Angara ang kakayahang mag-isip ng mga Pinoy.

Matagal nang batid ng mga tao na ang world market ang nagdidikta ng presyo ng langis.

Pero dahil sa TRAIN law, mas tumataas pa ang presyo ng mga bilihin.

Magkano na ba ang itinaas ng langis dahil sa TRAIN law? Umabot na ng P8 hanggang P10 kada litro.

Tama bang gantimpalaan pa si Angara ng reelection sa kabila ng kanyang pagiging utak ng TRAIN law?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wag nating kalimutan ang bangungot na dulot ng TRAIN Law ni Angara.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending