Nambu-bully kay Maine bayarang fan daw ni Alden, araw-araw nangnenega sa socmed
Kinakarir ni @cutenessavie ang pamba-bash kay Maine Mendoza.
Aba, halos araw-araw ay may hanash siya palagi against Maine. Kaya naman ang paniwala ng supporters ni Maine bayad ito ng kampo ni Alden Something kaya ayaw niyang tantanan ang dalaga.
Of late, she posted throwback posts of those who malign Maine. Isipin mo, hanggang 2015 na mga posts ay mayroon siya. Ganyan siya ka-dedicated sa paninira kay Maine. Baka maganda ang pasahod sa kanya ni Alden.
Anyway, ito ang ilan sa kanyang posts: “September 26, 2017. Nung nagpunta si M sa Leyte. Dissapointed din sila sa ginawa ni M sa kanila.”
“May 2, 2017. Ayyy di maganda experience ni kuya kay girl.”
“September 23, 2015. Namimili pala si M ng papansinin. Sosyal.”
“November 24, 2015. Disappointed si kuya kay M.”
“August 18. 2015. Kaya pala ilag si M kay Jose (Manalo) noon kasi napagalitan pala ni Jose. Now I know.”
“November 2018. Kawawa naman si Lola. Hindi pinansin.”
Noong panay ang pagtatanggol namin kay Alden ay bayaran daw kami, tumatanggap daw kami ng datung mula sa actor.
Mga adik yata ang basher namin. Ni hindi nga kami kilala ni Alden, ni hindi kami naimbitahan sa thanksgiving niya for the press tapos nasa payroll niya kami?
Ni hindi nga marunong magpasalamat si Alden sa pagtatanggol namin sa kanya, ‘no? Hindi na kami nagtataka. Kung si Dudu Unay nga na nagbigay ng break sa kanya sa Alakdana ay tinanggal niya sa mga friends niya sa Facebook account niya, kami pa kaya? Ni hindi nga niya napasalamatan si Dudu gayong ito ang nagsabi sa kanya about the Alakdana audition.
And now na si Maine naman ang ipinagtatanggol namin, bayaran daw kami ng dalaga. Mga baliw na yata itong bashers namin. Ni hindi nga kami kilala ni Maine, ‘no?
Ang alam din namin, tauhan ni Alden ang Avie na ito. Ang feeling namin ay si Lites ito dahil sinabi sa amin ng isang PR ni Alden na imbitahin kami sa thanksgiving ng actor dahil nga pinagtatanggol namin si Alden.
Kaya lang, may humarang at hindi kami inimbitahan. Eh, paanong malalaman ni Lites na ipinagtatanggol namin ang alaga niya kung hindi siya si Avie?
It’s either siya si Avie o bayarang alipin niya si Avie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.