Wax figure ni Pia sa Madame Tussauds HK buhay na buhay
“NAIIYAK ako kasi parang winning moment ulit, di ba?” ‘Yan ang emosyonal na mensahe ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach nang ibandera na ang kanyang wax figure para sa Madame Tussauds Hongkong wax museum!
Si Pia ang kauna-unahang Filipina na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds HK, at siya rin ang first beauty queen na binigyan ng wax figure sa MT.
“It looks so real! I can’t wait to see all your Miss Universe crowning pictures at Madame Tussauds Hongkong!” ang caption ni Pia sa ipinost niyang photo sa Instagram nang pormal nang ipakita sa publiko ang kanyang wax figure na talagang kamukhang-kamukha niya at buhay na buhay.
“Sobrang happy at sobrang grateful ako. Never in my wildest dreams did I ever think I would have my own wax figure. I’m nervous. I’m excited. I’m at a loss for words. I just can’t wait for you guys to see it in person finally. I’m so happy.
“I’m so excited. Finally, it looks so real and I can’t wait for everyone to see it in person. Mas ma-appreciate mo kasi siya pag nakita mo siya sa personal talaga at lalo na nang malapitan,” pahayag ni Pia sa panayam ng media.
Dagdag pa niya, “Sobrang gandang birthday gift nito. We finalized na ako yung magiging first Filipino wax figure during my birthday last year. So that was a really nice birthday gift and ayun sobrang from then on sobrang excited ko na. Ini-imagine ko anong pose yung gagawin, ano kayang susuutin na gown.”
“Nakakatuwa kasi parang it’s a nice moment not just with the Filipinos but also with my family na everybody’s just really happy. I hope na marami pang mga Filipinos na makakita nito. Sa mga nagbabalak na magbakasyon soon, why not fly to Hongkong at dumaan na rin kayo sa Madame Tussauds at ma-crown na kayo na Miss Universe,” aniya pa.
Kahapon, bukas na para sa public viewing ang wax figure ng dalaga na naka-display sa The Travel Festival sa SM Megamall Fashion Hall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.