Gretchen umaming matindi ang galit kay Kris, ibabandera ang dahilan sa tamang panahon…
LATELY Gretchen Barretto has been all over, pero hindi para mag-promote ng kung anumang TV or film assignment.
Let’s do a bit of timeline.
March 22, sa kanilang Instagram Live ng kanyang bunsong kapatid na si Claudine—with whom she has forged an unholy alliance—ay binakbakan ni Gretchen si Marjorie at ang anak nitong si Dani.
Gretchen’s slur smacked of bitterness dahil sa ‘di pag-imbita sa kasal nito, idagdag pa ang ‘di nito pag-acknowledge sa kanila ni Claudine as having stood by Dani through her growing up years.
Sa tindi nga ng galit ni Gretchen, sarado na ang kanyang puso sa posibleng pagkakaayos pa nila ni Marjorie considering the latter good as dead.
If that sounded familiar, ‘yun din ang turing ni Gretchen kay Claudine at the height of their spat many years ago.
March 23, Sabado. Sa programa naman nina Ogie Diaz at MJ Felipe sa DZMM “nakisilong” si Gretchen, this time ay si Kris Aquino (na naman) ang kanyang object of ire.
Yes, Gretchen confessed to hating Kris. At kaya raw may guts na siya to vent her anger ay dahil powerless na ngayon ang dating Presidential Sister.
Ang alam namin sa taong may galit sa kanyang kapwa, it’s not enough to express it.
Kailangang ilatag ng taong ‘yon ang dahilan o mga dahilan ng pinanggagalingan ng kanyang poot para maunawaan siya.
But Gretchen refused to disclose the reason. Pero sa takdang panahon daw ay isisiwalat niya ang dahilan.
Walang iniwan ‘yon sa isang tao na lumapit sa ‘yo dahil may tsismis siyang hatid only to hold back at iniwan kang gutom at bitin sa itsitsika niya. Nakaka-bad trip, ‘di ba?
Same with Gretchen’s mala-teaser na kuwento, hindi rin pala niya itutuloy. Pray tell me, hindi ba’t pambubuwisit lang ‘yon?
Since we have our number, tinangka naming i-text si Kris wanting to get her side. Pero okey lang if she’d choose not to react.
Eto ang sunud-sunod na reply ni Kris: “Absolutely no comment, let her be…I do not even remember the last time I encountered her…Sa totem pole ng mga problems ko, Kuya Ronnie, she is so far below.”
We already expected Kris’ stance. Sinang-ayunan pa nga namin ‘yon quoting what American essayist wrote, “Dignified silence is the best reply to slander.”
In short, magtatarang ka diyan for all the world cares. Mas nakakapikon ‘yung walang pumapansin sa ‘yo, which means, hindi epektibo ang attention-getting caper mo.
Nakapagtataka ring sa totem pole ng mga family issues which Gretchen needs to address ay bakit hindi kasama roon ang pakikipagkasundo sa kanyang mga magulang?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.