Kai Sotto napiling flag ambassador ng Ayala Foundation | Bandera

Kai Sotto napiling flag ambassador ng Ayala Foundation

- March 29, 2019 - 05:34 PM

KAI Sotto

PINILI ng Ayala Foundation ang 16-taon-gulang na si Kai Sotto, sa tulong ng Chooks-to-Go, bilang ambassador ng Maging Magiting Flag Campaign.

Sa isang press conference sa Ayala Museum sa Makati City nitong Huwebes na tinaon na rin bilang “send-off” para sa 7-foot-2 basketball phenom, sinabi ni Ayala Foundation president Ruel Maranan na “perfect” si Kai Sotto para pangunahan ang kanilang proyekto na naglalayong isulong ang nasyonalismo at pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagbigay ng bagong bandera sa 10,000 pampublikong paaralan sa iba’t ibang sulok ng bansa.

‘‘It is not really a question of what color of the team Kai is going to join (abroad). It is actually what color he is representing,” sabi ni Maranan patungkol sa plano ni Kai na magsanay ng dalawang buwan sa Atlanta at maglaro ng basketbol sa USA o sa Europe.

‘‘As soon as he makes it big there, it is we Filipinos whom he is representing whether he likes it or not,” dagdag pa ni Maranan.

Batid naman ni Kai ang responsibilidad na kanyang dinadala at nangako siyang hindi sasayangin ang pambihhirang oportunidad at pagkakataon na makapaglaro sa pinakamataas na antas ng basketbol sa mundo.

“May opportunity ako na makapaglaro sa NBA at iyan naman ang dream ko talaga pero kailangan ko ring pagtrabahuan at pagsikapan para marating ‘yan,” sabi ni Kai.

“Isa rin sa goal ko ang maging inspiration sa kabataan at ipakita sa mundo na kaya nating mga Pilipino mag-step higher.”

Kasama ni Kai sa naturang press conference ang ama niyang si Ervin Sotto at ang president at general manager ng Chooks-to-Go na si Ronald Mascarinas na nangako ng suporta para kay Kai Sotto saan man siya maglaro at maging sa Maging Magiting Flag Campaign ng Ayala Foundation.

Kasama namang lilipad ni Kai ang kanyang ama sa Atlanta kung saan nakabase ang management team na interesado sa batang manlalaro.

“Hindi ko pa masasabi kung saan talaga maglalaro si Kai, puwede ring sa Europe dahil ang skill set niya ay nababagay naman sa European style of play,” sabi ni Ervin na dating manlalaro ng PBA.

“For now, concentrate muna kami sa strengthening ni Kai. Kailangan niyang magpalakas dahil malalaki rin ang makakaharap niya doon.”

Nakatakdang maglaro si Kai para sa pambansang koponan na lalaban sa FIBA World Cup Under-19 Championship na gaganapin sa darating na Hunyo sa Greece.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangang paghandaan din muna ni Kai ‘yung FIBA Under-19 and then after that saka na kami magde-decide kung saan siya maglalaro, sa US ba o sa Europe,” dagdag ng 6-foot-7 na si Ervin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending