Jessy sa titulong Jinx Queen: Bakit naman po sa akin nila ibe-blame?
“ANG mahalaga po ay may mga tao pa ring gustong manood ng mga pelikulang ginagawa ko. Happy na po ako du’n.”
Ito ang sagot ni Jessy Mendiola sa mga nagsasabing “jinx” o malas siya sa mga proyektong ginagawa niya dahil halos lahat daw ng pelikulang ginawa niya ay hindi pumatok sa takilya.
“Bakit naman po sa akin nila ibe-blame? Movie ko lang ba ang hindi kumita? Siguro naman ay may sarili lang kaming audience at nagkataon na hindi ito kasing-solid ng malalakas na loveteam,” salag pa ni Jessy sa isyu.
Masaya rin niyang ibinalita na ipinalalabas din sa ibang bansa ang mga past movies niya, kabilang na riyan ang 2018 MMFF entry nila ni Jericho Rosales na “The Girl In The Orange Dress.”
Kaya sa pagpo-promote niya ngayon ng latest starrer niyang “Stranded” with Arjo Atayde, hiling ni Jessy na sana’y mapanood ito ng mas maraming Pinoy dahil napakaganda raw ng kuwento nito at napakagaling daw ng leading man niya rito.
“I am again proud of this one. Masaya, simple pero mapusong pelikula. And working again with Arjo who is a dear friend from outside showbiz, walang pressure at stress. Yun din po sana ang makita at maramdaman ng mga tao kapag pinanonod nila ito,” sey pa ni Jessy.
Showing na this April 10 ang “Stranded” under Regal Films sa direksyon ni Ice Idanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.