Komedyana nagloka-lokahan kaya wasak ang career | Bandera

Komedyana nagloka-lokahan kaya wasak ang career

Cristy Fermin |March 26,2019
facebook
share this

Komedyana nagloka-lokahan kaya wasak ang career

Cristy Fermin - March 26, 2019 - 12:07 AM

MARAMING nanghihinayang sa talento ng isang female personality na nakilala sa entablado ng pagkokomedya.

Sayang, ayon sa kanyang mga dating tagahanga, dahil dapat sana’y magandang-maganda na ang kanyang career ngayon.

Pero may sariling disposisyon ang komedyana, matigas ang kanyang ulo, gagawin niya ang gusto niya kahit ano pa ang maging resulta nu’n.

Kuwento ng aming source, “Sino ba ang sumira sa sarili niya, ibang tao ba? Siya mismo ang sumisira sa kanyang sarili!

“Naalala n’yo pa ba ang mga ginagawa niya nu’n? Sa katakawan niya sa atensiyon, e, kung anu-ano ang mga pinaggagagawa niya.

“Nanggulo siya nu’n sa isang kilalang resort, kesyo sinaktan daw siya ng boyfriend niya, naniwala naman sa mga sumbong niya ang mga pulis!

“Pero nu’ng puntahan naman ng mga otoridad ang partner niya, e, nagulantang sila, dahil ang sweet-sweet naman nila sa isa’t isa!

“Napakamot na lang sa ulo ang mga pulis, kasi nga, paniwalang-paniwala sila sa sigaw ng girl, pero parang pinaglaruan lang pala sila,” nakataas ang kilay na chika ng aming impormante.

Hinayang na hinayang din ang mga kasamahan ng female personality dahil parang tinamad na siya sa buhay pati sa kanyang career.

“Kung tutuusin, e, siya ang isa sa mga unang naka-penetrate sa limelight, di ba? Wala pa ang mga kilalang komedyante ngayon, e, nand’yan na siya!”

“Kaso, hindi siya naging professional, sasagutan niya ang isang invitation, aasa naman ang kausap niya, pero hindi naman siya dumarating!

“Kapag tinatanong na siya, e, parang wala lang, tumatawa lang siya, ganu’n siya kalukring! Hanggang sa inunahan na nga siya ng mga kasamahan niya, nakilala sila, napag-iwanan ang babaeng ito na may sariling mundo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi niya mahal ang trabaho niya, nilalaro lang niya, ganyan ang gusto niyang buhay, pa-relax-relax lang, walang commitment, sayang na career,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, hindi naman kayo mga booba, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending