Ronnie Alonte hindi naniniwalang si Loisa Andalio ang babaeng nasa 'video scandal' | Bandera

Ronnie Alonte hindi naniniwalang si Loisa Andalio ang babaeng nasa ‘video scandal’

Cristy Fermin |March 26,2019
facebook
share this

Ronnie Alonte hindi naniniwalang si Loisa Andalio ang babaeng nasa ‘video scandal’

Cristy Fermin - March 26, 2019 - 12:10 AM

RONNIE ALONTE AT LOISA ANDALIO

KUNG nasa mundo lang ng pulitika si Loisa Andalio ay puwedeng sabihing may grupo talagang nakahandang wasakin ang kanyang career. Palagi kasi siyang inilalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Nu’ng una ay pinagbintangan siyang playgirl, magkarelasyon na nga sila ni Ronnie Alonte ay pumapatol pa rin siya sa ibang lalaki, inilarawan ang young actress na walang kasiyahan sa isang boyfriend lang.

Ngayon naman ay sa isang sex video idinadamay ang pangalan ni Loisa Andalio, siya ang itinuturong babae sa video na nilalapirot ang magkabila niyang dibdib, habang meron daw siyang ka-chat.

Nakakaawang batang aktres, palagi na lang siyang isinasangkot sa mga walang katuturang isyu, wala siyang natatandaang taong sinaktan niya sadya man o hindi para gawan siya ng ganito katinding kahihiyan.

Mabuti na lang at marami siyang kaibigang nagtatanggol sa kanya, pati ang mga kapwa niya mga artista ay hindi naniniwalang siya ang babae sa video, lalo na ang kanyang boyfriend na si Ronnie.

Sa panahong ito na pati ang mukha ng iba ay naikakabit sa katawan ng kahit sino, sa mga sandaling ito na may kamukha lang ang isang personalidad ay puwede nang palabasing siya mimso ‘yun, ay hindi na nakagugulat ang mga isyung ibinibintang kay Loisa Andalio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending