Jake Zyrus saludo sa mga bak-clashers: We are also human, iisa ang ipinaglalaban natin | Bandera

Jake Zyrus saludo sa mga bak-clashers: We are also human, iisa ang ipinaglalaban natin

Ervin Santiago - March 25, 2019 - 06:40 PM

HANGGANG ngayon pala ay nakakaranas pa rin si Jake Zyrus ng pambu-bully dahil sa pagpapalit niya ng gender.

Pero ang mantra niya ngayon, hangga’t kaya niya, dedma lang ang mga panglalait at pambabastos sa kanya ng mga netizens na kontra sa pagpapakalalaki niya.

Maraming humanga at bumilib kay Jake nang mag-judge siya last Saturday sa grand showdown ng Luzon contestants ng pinag-uusapang “BakClash” sa Eat Bulaga. Feel na feel kasi ng mga beki at transwoman na kasali sa contest ang pagrespeto at paghanga sa kanila ni Jake.

Napansin din ng mga manonood na boses-lalaki na ang dating si Charice Pempengco, ibig sabihin effective ang hormone replacement therapy na ginagawa sa kanya. Kasabay nito, kinilig naman ang transman singer nang sabihan siya ng mga BakClashers ng, “Ang gwapu-gwapo mo!”

Nang mabigyan ng chance na makausap ang mga contestants, sinabi ni Jake na umaasa pa rin siya na darating din ang tamang panahon na matatanggap din ng lipunan ang mga transman na tulad niya tulad ng pagtanggap sa mga transwoman.

“I just wanna say I’m really proud of you all. I’m really proud, alam n’yo kung bakit? Hindi man tayo magkakakilala nang personal, iisa lang kasi ang ipinaglalaban natin.

“And I’m really proud of you all. Alam n’yo kung bakit? Kasi dito sa atin, kapag nakakakita tayo ng mga bading, ng gay people parang ang unang-unang sumasagi sa isip nila is nakakatawa.

“Parang automatic na funny comedians, that’s it. Ito, pinatunayan ninyo na we’re more than that. We are human. Kung anuman yung nagagawa ng iba, nagagawa rin natin and I’m really proud of you all.

“Yung singing, wala na akong masasabi, ini-stress n’yo kami pero I just wanna say na talagang grabe, pang-international ang mga talent. Thank you for having me.
“Thank you for giving me this opportunity to witness this. It’s definitely one of the best na pinag-judge-an ko so thank you so much,” pagtatapos ni Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending