SWS: Hindi korupt hanap ng botanteng Pinoy
HINDI magiging korupt ang pangunahing kalidad na hinahanap ng mga Filipino sa iboboto nito sa pagkasenador, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa tanong kung “Anu-ano pong mga katangian ang hinahanap ninyo sa isang kandidato sa pagka-Senador” hindi magiging korupt ang sagot ng 25 porsyento.
Sumunod naman ang pagtulong at pag-alala sa mga mahihirap (22 porsyento), may mabuting karakter (21), mapagkakatiwalaang (21), tutulong sa mga nangangailangan (20), at tutuparin ang kanyang mga pangako (14).
Sumunod ang makapagbibigay ng solusyon sa mga problema ng bansa (9 porsyento), madaling lapitan (7), magaling na lider (6), nakikinig (5), may pananampalataya sa Diyos (5), may political will (3), nakapagtapos sa pag-aaral/matalino (3).
Matapang (3), masigasig magtrabaho (3), may plano para umunlad ang bansa (2), may nagawang mabuti sa bansa (2), ipinaglalaban at may pagmamahal sa bansa (2). May dalawang porsyento na wala sa nabanggit ang isinagot at isang porsyento ang walang sagot.
Ang survey ay ginawa mula Disyembre 16-19 at kinuha ang opinyon ng 1,440 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.3 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.