#Maasar-talo: Kris hinding-hindi kakampihan ni Gretchen | Bandera

#Maasar-talo: Kris hinding-hindi kakampihan ni Gretchen

Cristy Fermin - March 23, 2019 - 12:30 AM

KRIS AQUINO AT GRETCHEN BARRETTO

Mas maganda nga ang ganyan na meron nang tagapagsalita si Kris Aquino sa katauhan ng kanyang abogado. Dapat ay matagal niya nang ginawa ang ganyan para naisalba sana niya ang kanyang sarili sa mga pamba-bash.
Kapag si Kris kasi ang nagsasalita, kahit nasa tamang posisyon naman siya ay mali pa rin sa pananaw at panlasa ng ating mga kababayan, binibira siya.
Mahirap din ang katayuan ni Kris Aquino, kumanan siya at kumaliwa ay siguradong may uupak pa rin sa kanya, halos ipako na siya sa krus ng mga bashers basta nagbukas siya ng bibig.
Lumawak na nang lumawak ang usapin sa pagitan nila ng kanyang dating business partner na si Nicko Falcis. Ang dating matamis nilang samahan ay kasing-asim na ng manggang hilaw ngayon.
Pero tanggapin natin ang katotohanan na nakahanap ng katapat ang aktres-TV host kay Nicko at sa pamilya nito, hindi siya inuurungan ng mag-iina, talagang naglalabas din ng mga komento ang mga ito na halos ikaluray ng kanyang pagkatao.
At may mga personalidad na hindi kumakampi sa kanya, tulad ni Gretchen Barretto na kahit pusa ang kalaban niya ay du’n ito kumakampi, nasa gitna pa rin ng kontrobersiya si Kris Aquino kahit pa inaalat ang kanyang karera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending