JK dedma sa demanda ng pamilya ni Darren, mas natakot sa natanggap na death threats | Bandera

JK dedma sa demanda ng pamilya ni Darren, mas natakot sa natanggap na death threats

Cristy Fermin - March 21, 2019 - 12:20 AM

DARREN ESDPANTO AT JK LABAJO

HINDI lang ang demandang cyber libel at defamation ang kailangang intindihin ni JK Labajo, meron pa siyang mga death threats na kailangang harapin, nabubulabog ang pananahimik ngayon ng young singer.

Sinampahan na siya ng asunto ng pamilya ni Darren Espanto, matagal na palang nakaplano ang nasabing demanda, hinintay lang ng pamilya ni Darren na magdisiotso anyos si JK nu’ng nakaraang buwan.

Pero sa kanyang mga posts ay mukhang ang pagbabanta sa kanyang buhay ang mas binibigyan ng atensiyon ni JK, matindi kasi ang banta sa kanya, titiyempuhan siya ng kung sinumang nagbabanta raw na nasa isang gig at pasasabugin siya.

Wala na raw pakialam ang nagbabanta kung may madamay na ibang tao, ang mahalaga ay ang mapatay siya, kaya sumagot na naman si JK na mukhang nakatanghod sa kanyang gadget palagi.

Ayon sa batang singer na nagpapakilalang rakista ay alam na raw niya kung saang kampo nanggaling ang nagpapadala ng death threat sa kanya. Kung anuman daw ang mangyari sa kanya ay alam na ng mga taong malapit sa kanya kung sino ang hahabulin.

Mangyayari talaga kay JK Labajo ang mga ganitong pagbabanta, inaasahan na ng mas nakararami na isang araw ay may mga mambubulabog sa kanyang buhay, dahil sa kanyang mga pinaggagagawa.

‘Yan ang nakakatakot. Gumawa ng sariling multo si JK Labajo. Pero ngayon ay siya ang natatakot sa nilikha niyang multo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending