Sam wala pa ring lovelife: Kung kayo na lang kaya ni Yen Santos
KAWAWA naman si Sam Milby dahil kung anu-anong masasakit na salita ang nababasa naming komento tungkol sa karakter niya bilang si Ace sa seryeng Halik.
Base sa kuwentong umeere ngayon ay aprub na ang annulment nina Ace at Jacky (Yen Santos) kaya nagdidiwang ang huli kahit may bahid na lungkot pa ring nararamdaman.
Ito namang si Ace ay hindi matanggap na pormal na ang paghihiwalay nila ng kayang misis, may plano pa sana kasi siyang balikan at humingi ng tawad, kaso pinaiiral nito ang galit.
Samantalang si Jade (Yam Concepcion) ay patuloy na tinitikis si Lino (Jericho Rosales) na itago ang anak nila kaya naman hindi na alam ni Lino ang gagawin. Sa sobrang lito ay nagpakita ng motibo si Lino kay Jacky pero tumanggi ang huli dahil hindi pa maayos ang lahat.
Going back to Sam, gusto namin ang karakter niya bilang bida-kontrabida sa Halik para mabago ang imahe niyang sobrang mabait sa totoong buhay. Maski man lang sana sa mga pelikula at teleserye ay salbahe siya.
At kapani-paniwala naman dahil maraming galit sa kanya, sabi nga ng viewers, magsama raw sina Ace at Jade dahil pareho silang salbahe.
Natatawa lang ang aktor sa mga reaksyong naririnig dahil ibig sabihin ay effective siyang kontrabida.
May nagtanong nga pala sa amin kung wala pang nililigawan si Sam, napag-iiwanan na raw kasi siya ng mga naging leading ladies niya tulad nina Anne Curtis, KC Concepcion, Maja Salvador, Toni Gonzaga at Bea Alonzo na masayang-masaya na ngayon sa kani-kanilang lovelife.
Sa katunayan, dalawa na sa kanila ang ikinasal at may karelasyon naman ang iba ngayon. Hindi raw ba siya naiinggit? Biro ng isa naming kausap, “Si Yen na lang kamo, tutal naghahanap na rin naman siya ng boyfriend at gusto ng mag-asawa.”
Actually natanong namin tungkol dito si Yen nang huli namin siyang makatsika sa storycon ng pelikulang “Two Love You”, hindi ba nagparamdam si Sam sa kanya. Isang malakas na tawa lang ang isinagot niya sa amin.
Hindi lang kami nakapag-follow up ng tanong dahil hinila na siya ng producer ng pelikula na si Ogie Diaz para sa cast pictorial.
Mukhang bagay naman sina Sam at Yen. Hindi kaya tahimik lang sila ngayon pero may “something” na?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.