Fans nina Kathryn at Alden suportado ang KathDen loveteam

By Cristy Fermin March 15,2019
share this

Fans nina Kathryn at Alden suportado ang KathDen loveteam

By Cristy Fermin March 15,2019
share this

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

Magandang kumbinasyon ang ipinanganak sa bagong tambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Pareho nilang mahal ang kanilang propesyon, mahal nila ang mga kababayan nating sumusuporta sa kanilang karera, maraming ipinagkakapareho sina Alden at Kath.

Dalawampu’t isang araw silang mananatili sa Hong Kong, ‘yun ang bilang ng araw sa kanilang kalendaryo na nakaekis na ngayon, sa Hong Kong kukunan ang isang magandang istorya ng mga OFW na gagampanan nila.

Sa pagkakatanda namin, nu’ng kasagsagan ng kasikatan ng tambalan nina Alden at Maine Mendoza ay nilapitan ng Pambansang Bae si Kathryn sa isang pagtitipon, kaya nu’n pa man ay may puhunan na sa pamilya ng young actress ang pagiging maginoo ni Alden.

Sino nga ba nag mag-iisip na si Alden na taga-GMA 7 at si Kathryn na namamahay sa ABS-CBN ay posible palang magkasama sa pelikula? Pinayagan ang binatang aktor ng APT Productions at si Kathryn naman ang pinili ng Star Cinema na pumareha sa kanya.

Wala nang kuwestiyon sa husay nilang gumanap, pabrika nga ng luha kung tawagin ng marami sina Alden at Kathryn, mababaw ang kanilang luha at tamang emosyon ang ibinibigay nila sa bawat eksenang hinihingi ng istorya.

Susuportahan ng grupo ng KathNiel ang pelikulang ito, kahit ang mga solidong tagahanga ni Alden ay nakahanda na sa kanilang pagsuporta, isang grupo lang naman ang inaasahang mamba-bash sa kanilang bagong tambalan.

Alam na this!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending