Artificial water shortage nararanasan sa Metro Manila-Palasyo | Bandera

Artificial water shortage nararanasan sa Metro Manila-Palasyo

Bella Cariaso - March 14, 2019 - 04:05 PM

SINABI ng Palasyo na minamadali na ang ginagawang imbestigasyon sa nangyayaring problema sa suplay ng tubig sa Metro Manila kasabay ng paggiit na artificial water shortage lamang ang nararanasan.

Sa briefing, sinuportahan ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala namang kakulangan sa suplay ng tubig sa bansa.

“Because if the source is puno, and another concessionaire has puno also. Eh bakit naman iyong isa hindi. Iyon ang logic doon,” sabi ni Panelo.

Idinagdag ni Panelo na sa group chat ng mga miyembro ng Gabinete, pinalutang ni Lorenzana ang posibilidad na artificial water shortage ang nararanasan.

“Ang gist noong sinasabi ni Secretary Lorenzana eh doon sa kaniyang chat na the water comes from Angat Dam and there is no shortage doon; as far as that particular dam is concerned – puno, walang kulang, so bakit nagkakakulang iyong distribution. So gaya ng sinabi ninyo kanina, kulang iyong ibinigay iyong allocation dito sa parte ng Maynila. Eh iyon ang sigurong alamin natin bakit, ba’t nagkaganoon,” ayon pa kay Panelo.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na aaksyunan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang nangyayaring over pricing sa mga ibinebentang ipunan ng tubig.

“Siyempre, kasi iyong mga affected areas siyempre bibili ng timba… I will ask DTI kung anong ginagawa nila,” sabi ni Panelo.

Ani Panelo mananagot ang mapapatunayang naging dahilan ng problema sa suplay ng tubig sa Metro Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending