Cathy Molina sa KathDen movie: Hindi yung loveteam ang ibebenta, yung kwento at galing nila
WALANG demands ang management ni Alden Richards kapalit ng paggawa niya ng pelikula sa Star Cinema.
For the first time, magsasama sa pelikula sina Alden at Kathryn Bernardo na ididirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.
Walang masyadong detalyeng ibinahagi ang Star Cinema tungkol sa nasabing proyekto. Ang tanging sinabi lang nina Direk Cathy ay gaganap na mga OFW ang tinaguriang Queen of Hearts at Pambansang Bae at kukunan ang halos kabuuan ng movie sa HongKong.
Ginanap ang story conference para sa nasabing pelikula kamakalawa kung saan sinabi nga nina Kath at Alden na super excited na silang mag-shooting. Doble naman ang excitement ni Direk Cathy dahil for the first time ay makakatrabaho niya ang Kapuso Prince na si Alden.
Umaasa rin ang direktor na susuportahan ng respective fandom ng dalawa niyang artista ang gagawin nilang pelikula.
“I both respect their fandoms. Sana mahalin nila yung dalawa, same ng pagmamahal (nila sa KathNiel) kasi hindi naman yung loveteam nila yung binebenta dito but yung kwento at yung galing nila bilang artista,” paliwana ng lady director.
“This is the first time that I’ll be working with her so it’s a great honor and experience kasi I’m really on the stage of exploring the craft and my capability as an actor,” pahayag naman ni Alden sa panayam ng GMA.
Sa hiwalay na interview, sinabi ni Alden na tinanggap niya ang proyekto dahil gustung-gusto niyang makatrabaho si Direk Cathy, pati na rin si Kathryn, “It’s a great honor and experience kasi I’m really in that stage of exploring the craft and my capability as an actor.”
Dugtong pa niya, “To be directed by someone who made that film (One More Chance), sobrang fan po kasi ko nu’ng John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, parang total package na po, wala na po akong hihilingin, sobrang saya ko po na nabigyan ako ng chance.”
Ito naman ang sabi ni Kath, “Kung tatanungin ninyo ako kung kinakabahan ako, yes super! Pero it’s a good thing. Na-e-excite ako kung anong mangyayari dito, kung paano kaming dalawa.
“Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman pero for sure I’m very happy. Ang laking adjustment nito hindi lang para sa akin, kung hindi para na rin kay Alden,” dagdag pa ng girlfriend ni Daniel Padilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.