Engaged na pero humaharot pa sa iba

By Beth Viaje March 13,2019
share this

Engaged na pero humaharot pa sa iba

By Beth Viaje March 13,2019
share this

DEAR Ateng Beth,

Parang hindi yata tama itong nararamdaman ko. Kasi committed po ako sa isang responsable, mapagmahal at mabuting lalaki pero nage-entertain pa ako ng isa pang lalaki. Kaya lang itong isang lalaking ito ay labis na nagpapasaya sa akin ngayon.

He makes my day more relaxed and exciting.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Engaged na ako pero I have these thoughts na baka hindi talaga siya para sa akin.

Pero, ateng, hindi rin naman ako sure kung anong feelings ang nararamdaman ko rito sa second guy na ngayon lang naman din dumating sa buhay ko. Pleaase help.

Thanks.
Mary Anne

Magandang araw sa iyo, Mary Anne.

Yung totoo lang, at huwag mo sanang masamain.

Hindi ba talaga siya para sa iyo o hindi ikaw para sa kanya?

Bakit parang naging mali pa yung “responsable, mapagmahal at mabuting lalaki?”

Hirap sa atin, tayo na ang humaharot at nagtataksil, tapos ‘yung isang tao ang biglang nagkadirepensya.

Bakit dahil lang may nakita tayong iba na bagong haharutin? Unfair, di ba?!
Mary Anne, paano kung baliktad ang nangyari? Paano kaya kung siya naman ang nakakita nang mas mapagmahal, tapat at mabuting babae, at palitan ka niya? Ano’ng mararamdaman mo?

Tsaka ano ‘yung sinasabi mong you are committed? Ateng di ka committed kasi nga kung ano-anong panghaharot ang ginagawa mo. Siya siguro ang committed, pero ikaw? I don’t think so.

Ay Ate, antaas ng tingin mo sa sarili mo no! Wag ka nga!

So palagay mo hanggang kailan tatagal si second guy sa pagiging fun, relaxed and exciting lalo pa’t nalaman niya ang tunay na ugali mo.

On second thought, if you feel na hindi niya deserve ang tulad mo, then break the engagement. Kawawa naman kasi si kuya.

Naging tapat siya sa iyo, pero nakikipagharutan ka naman sa iba.

Unfair din naman sa yo kung sakaling mag-stay ka pa sa relasyon ninyo pero wala ka nang nararamdaman.

So para di ka na maguluhan, bigyan mo naman ng kalayaan ang isang mabuting tao. Hayaan mong sana ay lumigaya naman sya.

Bigyan mo na rin ng kalayaan ang sarili mo at piliian ang bagay na mas makakapagpaligaya sa iyo.

May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan. I-text lang sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending