Relasyon ng aktres sa kandidato gimik lang | Bandera

Relasyon ng aktres sa kandidato gimik lang

Den Macaranas |March 13,2019
facebook
share this

Relasyon ng aktres sa kandidato gimik lang

Den Macaranas - March 13, 2019 - 12:10 AM

“NAKU ha! Pakibaba ang kilay ko!”

‘Yan ang tugon ng aking baklitang Cricket na kasama sa grupo ng isang kandidato sa pagkasenador na lumilibot sa iba’t ibang lugar para mangampanya.

Hiningi ko kasi sa aking cricket ang detalye kaugnay sa report na “mag-on” na raw ang isang kandidato na dating opisyal ng gobyerno at ang isang may edad na rin namang actress-singer.

Sinabi ng aking Cricket na walang dapat kumpirmahin dahil “nada” as in walang namamagitan sa dalawa kundi lip balm lang at pang kilay.

Paano raw mangyayari samantalang mas girl pa si sir kesa sa nasabing magandang aktres?

Ang siste kasi, mga sisterakas, kwento ng aking Cricket ay nagsilbing host si aktres sa isang political sortie ng grupo ni Sir sa isang teritoryo sa labas ng bansa.

Nang ipakilala ni Aktres si Sir ay nagtilian ang mga Pinoy sa lugar dahil alam nilang “berde” ang dugo ng dating opisyal.

Pero magaling rin na host si aktres dahil kaagad siyang nakipag-holding hands kay Sir at sinabing sila na raw.

Nakakaloka ang eksena sabi ng aking Cricket dahil parang iritado nang husto si Sir dahil sa totoo lang mas gusto niyang ka-holding hands ang isang kapwa niya Adan.

Open secret naman sa dating administrasyon ang pagkatao ni Sir at syempre wala rin naman tayong karapatan na husgahan ang kanyang gender preference.

Sinabi pa ng aking Cricket na patunay lamang ito na hirap ang nasabing grupo na kumuha ng boto sa publiko kaya kahit awkward na syle ng pangangampanya ay pinapatos na nila.

Bida sa ating kwento ay si actress A…as is Agwat samantalang si Sir naman ay si Mr. P…as in Pakakak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mas marami pang blind items, visit our website: bandera.inquirer.net

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending