'Sana nabigyan pa kami ni Chokie ng mas mahabang panahon'- Vice | Bandera

‘Sana nabigyan pa kami ni Chokie ng mas mahabang panahon’- Vice

|March 13,2019
facebook
share this

‘Sana nabigyan pa kami ni Chokie ng mas mahabang panahon’- Vice

- March 13, 2019 - 12:05 AM


BUMAHA ng luha sa unang gabi ng lamay para sa komedyanteng si Chokoleit na pumanaw last Saturday night dahil sa pulmonary edema and heart attack.

Ilan sa mga celebrities na unang dumalaw sa labi ni Chokie ay ang malalapit niyang kaibigan na sina Pokwang, Pooh, John Lapus at Vice Ganda

Sa isang punerarya nakaburol ang labi ni Chokoleit pero may pakiusap nga si Sweet sa lahat ng mga dadalaw sa komedyante. Sa kanyang Facebook account, nag-post si Sweet ng, “Hello po friends from the press & mga anak. Wag nyo na po announce pls kung san ang burol. Maliit lang po ang funeraria. Mahirap na makuyog. Ty.”

Isa si John Lapus sa mga nag-asikaso ng burol ni Chokie, talagang dinobol-check niya ang make-up at damit ng kaibigan. Pinalitan din nila ang unang litratong naka-display sa burol ng picture na favorite raw ng stand-up comedian, ito ‘yung may korona siya at mukhang diyosa.

Nag-post si K Brosas ng photo nila nina Pooh, Pokwang at Vice nang dumalaw sila sa burol. May mensahe itong, “We love u Chokie! Nabawasan kami NG matalik na kaibigan nina @pooh_tik @itspokwang27 @praybeytbenjamin.”

Nag-post din ng throwback photo nila ni Chokoleit si Pokwang sa IG na may caption na, “Wala kami maisip nila @pooh_tik and @kbrosas na pwedeng ipalit sayo bff Chokie. Nag iisa ka! So pano?

“Thank you sa tawa at walang humpay na okrayan at tawanan my dear friend Chokie. Wala na magkakalkal sa kusina ko ng dis oras ng gabi para lang mag take out ng ulam. Love you!”

“This year ang dami naming plano, may concert sana kami sa Araneta, ‘yung ‘4 Da Laffs’ sana namin. Basta sayang, pero thankful na rin kasi alam namin na nandoon siya, alam namin nagpapasaya siya sa itaas,” ani Pokwang.

Pahayag naman ni Pooh, “Napakahirap, ang hirap! Para siyang joke, para kaming nag-show, para siyang nagbibiro. Wala na kasing ibang Chokoleit, siya lang.”

Ito naman ang nasabi ni Vice, “I lost a friend. That’s even harder than losing a workmate. I lost a friend and it’s very hard for me. Ganu’n ang pagmamahal niya sa akin, ‘yung sobra siyang masaya sa kung ano ang mayroon ako ngayon.

“Sana mas nabigyan kami ng mas mahabang panahon na magkasama, kaming magkakaibigan,” aniya pa.

Samantala, nagbigay din ng tribute kay Chokie si Pops Fernandez na nakasama niya sa kanyang huling show sa Abra. Nag-post ang Concert Queen ng photo nila ng komedyante sa Instagram.

Nilagyan niya ito ng caption na, “This photo was taken right before Chokoleit’s performance in abra. I asked him how he was doing since I haven’t seen him in a long time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“His reply, ‘I am doing very well. I’m in a good place. Nakaipon na po ako.’ I told him how happy I am for him….I am still in shock. Chokoleit, thank you for the laughter. You made the people laugh one last time. RIP @hot_chokoleit #RIPchokoleit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending