Lani ilang beses nang nabastos habang kumakanta sa stage | Bandera

Lani ilang beses nang nabastos habang kumakanta sa stage

- March 13, 2019 - 12:01 AM


TULAD ni JK Labajo, na-experience na rin ni Lani Misalucha na ibang pangalan ang isinisigaw ng audience kapag nagpe-perform siya on stage.

“Oo, naman. Oo naman. Na-experience ko na rin yun,” ang pahayag ng Asia’s Nightingale sa nakaraang presscon ng kanyang “The ACES” concert kung saan makakasama rin niya sina Darren Espanto at Jona.

Ilang beses na raw siyang nakaranas ng pambabastos while performing at may mga pagkakataon din na ang pangalan ni Regine Velasquez ang isinisigaw ng manonood habang nasa stage siya.

“Wala. Ganu’n talaga, e! Kasi parang ano lang ‘yan, parang sa social media ka, may mga bashers. Alangan naman i-reprimand mo. Hindi, e, mas lalo pang lalaki,” pahayag ni Lani.

Nagkuwento pa siya ng isang pagkakataon kung saan nakaranas siya ng pambabastos habang nasa stage, “Actually, nasa banda pa ako nun. Meron sa audience na mga hambog. Siyempre banda ako, di ba?

Meron sa audience, maliit na lugar lang yun, e. tiny lounge, tapos kumakanta kayo ng banda mo, tapos biglang paghihikaban ka.

“Parang, ‘Ano ba ‘yan?’ As in malakas, kasi ang liit-liit lang ng lugar. Maraming mga ganu’ng ano. Tapos meron namang talagang nagdadaldalan sila, talagang nananadya. Alam mo yun?” chika pa ni Lani.

“Meron din sa Amerika. Kasi sa audience siya, parang hindi talaga siya pumapalakpak. I don’t know kung ano yung ginagawa ko, I don’t know kung ano… basta ending, tumayo naman siya,” kuwento pa ng Pinoy music icon.

Naitanong ito kay Lani dahil sa nag-viral na video ni JK Labajo kung saan nagmura nang ilang beses ang young singer with matching nag-dirty finger pa sa isang miyembro ng audience. Sumigaw kasi ito ng “I love you, Darren,” na ikinapikon ng binata.

Ang “The ACES” concert nina Lani, Darren at Jona ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa March 30, Sabado, 8 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending