#KathDen: Kathryn, Alden gaganap na OFW sa bagong Star Cinema movie | Bandera

#KathDen: Kathryn, Alden gaganap na OFW sa bagong Star Cinema movie

Reggee Bonoan |March 13,2019
facebook
share this

#KathDen: Kathryn, Alden gaganap na OFW sa bagong Star Cinema movie

Reggee Bonoan - March 13, 2019 - 12:01 AM


TULOY na ang pelikulang pagsasamahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na ididirek ni Cathy Garcia Molina.

Kahapon ginanap ang story conference ng nasabing proyekto na dinaluhan din ni Direk Olive Lamasan.

Ilang litrato nina Alden at Kathryn kasama si Direk Cathy at si Inang Olive ang ipinost sa Instagram account ng Star Cinema na may caption na, “So stoked!!!! Direk Cathy Garcia-Molina’s upcoming film will star Kathryn Bernardo and Alden Richards! #KathrynAldenMovie2019 #StarCinema.”

Matagal nang nasusulat ang pagtatambal nina Kathryn at Alden sa isang pelikula pero may mga ilang supporters sina Alden at Maine Mendoza ang nagsabi na hindi raw ito totoo dahil hindi sila naniniwalang posibleng magsama ang dalawa sa isang movie.

Hoping pa rin ang loyal AlDub supporters na muling gagawa ng pelikula sina Maine at Alden na ipo-produce ng GMA Films since magbabalik na ulit sa pagpo-produce ang Kapuso movie outfit.

Pero mukhang malabo na itong mangyari sa ngayon dahil kumpirmado na nga ang pagsasama nina Kathryn at Alden.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay samu’t sari na ang naririnig naming komento dahil nga malaking sugal ang gagawin ng Star Cinema sa proyektong ito. Kagatin nga kaya ng manonood ang tambalang Kathryn-Alden?

Hirit naman namin na with the “magic” of direk Cathy, 100 percent sure na kikita ang pelikulang ito.
Anyway, base sa pagtatanung-tanong namin, gaganap na OFW sa Hongkong sina Alden at Kathryn at doon nga magsisimula ang kakaibang kuwento ng kanilang pag-ibigan.

Tinanong namin kung may kissing scene ang dalawa pero sinagot kami ng kampo ng aktres ng, “Ha-hahaha! Ano ba ‘yun?”

Ano sa tingin mo bossing Ervin, mayrong kissing scene o wala? (Feeling ko kailangan muna nilang magpaalam kay Daniel Padilla bago mapapayag si Kathryn na makipaghalikan sa Pambansang Bae. – Ed)

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa kauna-unahang pelikulang pagsasamahan nina Alden at Kath.

Ayon kay @sanityluna, “D naman ibig sabihin may iba silang mga kasama sa project loveteam na agad. Sa pagkakalam ko, it’s not a romantic romance story. It’s a heavy drama rgarding sa mga OFW.”

Komento naman ni @rosarii450, “Wow nakaka excite ito! Siguradomg boom ito!”

Sey ni @fordchan2626, “Well sana maging behave sila. Alam naman nila ang Kathniels handang lumaban para kay Kath & Dj!”

“I love kathniel so much and I trust their Love for each other and I will always support them kahit mgkaroon sila ng ibat ibang projects,” comment ni @shy.lai.

Ito naman ang sey ni @ms_corypotts, “Swerte ni Alden. Si Kathryn ba naman kasama mo sa movie e. Lilipat na ba si Alden? Diba exclusive yan ng GMA?”

“Wow gonna be exciting can’t wait for this movie, plus OMG Direk Cathy Molina movie, panatag ang mga Kathniel fans dapat dont worry guys. Let’s enjoy this movie soon,” chika naman ni @crisness151912.

“Maganda ito… binibigyan nila ng chance ang bawat artista nila na makatrabaho nila ang ibang artist. Sana magtuloy tuloy na ito. They both deserve it,” komento ni @viktoriamelayne.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni @reenamay077, “Kaya pla may issue n break up ang kathniel. They’re preparing the fans kc may bagong movie c kath w/o DJ. Oh well this is for the growth of kathryn so support all the way!kahit mashakit!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending