Kaliwa-Laiban dam at Kanan dam: Solusyon sa tubig ng mega Manila | Bandera

Kaliwa-Laiban dam at Kanan dam: Solusyon sa tubig ng mega Manila

Jake Maderazo - March 11, 2019 - 12:28 AM

MAGSISIMULA sa unang linggo ng Abril ang “summer”, pero nagpatupad ngayon pa lang ang Manila Water at Maynilad ng “El Nino water contingency measures” sa kanilang 15 milyong customers dito sa Mega Manila.
Ang dahilan — ang La Mesa Dam ay nasa critical level na at 60.16 meters, at pinupunan na lang ng Angat Dam (201 meters) na swerte namang mataas pa ang level.
Noong 2010, nagkaroon tayo ng “water rationing” sa Metro Manila nang bumagsak ang Angat dam water level sa 167.55 meters.
Sa ngayon, 95.6 porsyento ng tubig sa Metro Manila ay galing Angat Dam na umaasa naman sa mga bagyo at ulan na bumabagsak dito. Kayat kapag nag-El Nino at kukonti ang ulan sa bawat taon, hirap sa suplay ng tubig.
Ang MWSS ay merong mga planong “Laiban-Kanan dam” sa Tanay Rizal at “Kaliwa dam” sa Infanta at General Nakar, Quezon sa ilalim ng kanilang “New Centennial Water Source Project” upang kumuha ng ibang water sources maliban sa Angat.
Katunayan, nai-award na sa China Energy Engineering Co. Ltd ang pagdisenyo at konstruksyon ng Kaliwa dam na 60-meters ang taas kasama ng isang 27.7 kilometer na “raw water conveyance tunnel”.
Ito’y magsu-suplay ng 2,400 milyon litro bawat araw at dadagdag sa kasalukuyang suplay na 4,132 milyon litro bawat araw mula Angat.
Ang halaga ng proyekto ay P18.72-bilyon kung saan P10.2-bilyon ay manggagaling sa “Official Development Assistance” ODA ng China.
Ang hinihintay na lamang ay ang “environmental clearance” mula kay Environment Sec. Roy Cimatu. Ang pangako ng MWSS, pagdating ng 2022 o tatlong taon mula ngayon ay maitatayo ang mga bagong dam na ito kung wala nang “delay” sa paper work at sa DENR.
Marami ang kumokontra tulad ng environmentalists, church groups at mga pamilyang mare-relocate dahil sa mga proyekto.
Isang watershed area na may lawak na 9,400 hectares ang ilulubog sa tubig, kasama ang 7 mountain barangays, kung saan apektado ang higit 6,000 families.
May nagsasabi rin na ito raw ay isang “Chinese Debt trap” tulad ng sa Sri Lanka. Mga akusasyong titimbangin ng “political will” ng kasalukuyang administrasyon.
Meron ding “unsolicited proposal” ang MWSS mula sa grupo ni Quezon Rep. Danny Suarez na magtayo ng isang 400-megawatt Hydro-electric power project sa Kanan river. Kuryente ang negosyo nila kayat ang by-product nitong tubig , mga 3,000-M liters per day, ay ibibigay sa MWSS sa murang halaga.
Sa ngayon, meron nang 35.5 milyon ang residente ng Mega Manila at sa susunod na 10 taon, ito’y lalampas ng 40 milyon. Talagang dumadami na ang mga tao at ang panibagong pagkukunan ng tubig ay isang pambansang prayoridad.
Sa totoo lang, matagal na tayong sinisingil ng MWSS para sa konstruksyon ng “drowing” pa lamang noon na “Laiban dam” at iyan ay nasa resibo mo hanggang ngayon. Noong 2011, ang binayaran natin sa water bills para konstruksyon ng Laiban dam ay nasa P11-B. Magkano kaya ito ngayon?
Sa aking palagay, dapat ay wala nang “delay” ang pagtatayo ng Kanan-Laiban dam at Kaliwa dam . Hihintayin pa ba nating magka-problema ang Angat Dam, una sa kakapusan ng tubig o sa trahedtyang mangyayari kung mapinsala ito ng paggalaw ng “West Valley faultline”?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending