HANDANG-HANDA na ang all-female group na MNL48 para sa kanilang kauna-unahang major concert, ang “Living The Dream” na gaganapin sa New Frontier Theater sa April 6.
Nagpasampol ang international sister group ng Japan’s AKB48 sa nakaraang presscon nila sa harap ng entertainment media at talaga namang bigay-todo ang lahat sa kanilang performance.
As in ibang-iba na ang dating nila on stage kumpara noong nagsisimula pa lang sila after mapili sa talent search noon sa It’s Showtime. Pasampol pa lang ang ginawa nila pero feel na feel na ng audience ang J-Pop-inspired concert ng MNL48.
Ayon kay MNL48 Center Girl Sheki, sisiguruhin nila na uuwing masaya ang lahat ng manonood sa kanilang concert, “Super excited po kaming lahat kasi dati pinapangarap lang namin na makapag-concert in front of many people. Sobrang special po sa aming ang event na ito.”
Dagdag pa niya, “Ipakikita namin na may ibubuga ang MNL48 sa music and idol industry.”
Ayon naman kay MNL48 member Abby, napakalaki ng naitulong ng naging experience nila sa AKB48 Group Asia Festival sa Bangkok sa preparasyon para sa “Living The Dream Concert.”
“Sobrang dami ng ideas and concepts ang nakuha namin from that event. Mas na-boost ang confidence namin and natutunan namin na being an idol is about giving all your heart na walang takot na naipakita kung sino ka at malabas ‘yung best mo,” pahayag ni Abby.
Kamakailan, personal na nagtungo sa ticket booth ng Araneta Coliseum ang members ng MNL48 para magbenta ng tickets para sa kanilang concert kung saan nagkaroon din ng chance ang kanilang fans para makita sila up close and personal.
Bukod sa kanilang mga bonggang dance performance, kakantahin din nila siyempre ang kanilang hit songs kabilang na ang “Pag-ibig Fortune Cookie,” “Palusot Ko’y Maybe,” at “Talulot ng Sakura.”
Ang “MNL498: Living The Dream Concert” ay mula sa Hallohallo Entertainment sa direksyon ni GB Sampedro. For ticket inquries, call lang kayo sa Ticketnet (www.ticketnet.com).
Samantala, isa sa mga miyembro naman ng grupo ang umaming may plano rin siyang sumali sa beauty contest, si MNL Belle, idol daw niya si 2018 Miss Universe Catriona Gray.
“It is my wildest dream para i- represent ang Philippines, pero MNL48 po muna kasi nare-represent din naman namin ang Philippines sa iba’t ibang bansa,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.