Kapag idol group ka, lahat magagawa mo...sarap sa pakiramdam | Bandera

Kapag idol group ka, lahat magagawa mo…sarap sa pakiramdam

Ervin Santiago - February 28, 2021 - 09:15 AM

MULING hahataw ngayong 2021 ang all-girl group na MNL48 at asahan na raw ng kanilang mga fans ang mga bonggang projects na naka-line up nilang gawin.

Matapos ngang makumpleto ang kanilang third-generation group, handang-handa na ang MNL48 members na muling magbigay ng inspirasyon at magpalaganap ng positivity sa madlang pipol.

Ayon kay MNL48 center girl Abby, “Lahat ng MNL48 member ay may goal and that goal is to give 100 smiles everyday sa lahat ng nakikita mo.

“Yan talaga yung tumatak sa amin. That goal is talagang ginagawa pa rin namin hanggang ngayon,” aniya pa sa nakaraan nilang virtual mediacon.

Bilang bahagi naman ng Kami 7 ngayong taon, sinabi naman ni Sheki na nakaka-inspire na makasama ang iba pang talentadong miyembro ng MNL48.

“Una sa lahat kaya kami nagkakasundo kahit big girl group kami kasi yung strong love namin for each other kasi ang dami naming pinagdaanan, bondings, madaming nadapa, madaming nag-rise.

“Yung love namin for each other pantay-pantay siya, equal sa lahat kaya siguro nagkakasundo kami. Kaya pag nag-perform kami para talaga kaming pamilya.

“We treat each other as family talaga. At saka pag merong na-le-left behind, nagtutulungan talaga kami na hatakin siya pataas,” lahad pa ni Sheki.

Tinanong din sila tungkol sa kumpetisyon ngayon sa pagitan ng mga P-pop group sa bansa at sa patuloy na pagdami mga Korean inspired bands sa bansa.

Sagot ni MNL48 member Jamie, “As a teenager, it’s normal to really feel insecure at times. However iniisip na lang namin at the end of the day that we have one mindset and that is to reach the top.

“Because we are a group, we are not individuals. So whatever we do will affect the whole group. That’s our mindset. So lahat ng achievement ng bawat member is for the group.

“Having that mindset really helps us to push forward and to really love one another despite our differences,” magandang paliwanag pa ng dalaga.

Ibinandera naman ng isa pang member ng grupo na si Ruth ang mga natutunan niya sa lahat ng training na pinagdaanan nila, “Before ako sumali sa MNL48, gusto ko talaga mag-artista. Pero nu’ng nag-MNL48 ako mas na-feel ko na hindi kasi mas feel ko pag idol group ka kasi lahat magagawa mo.

“Magagawa mo yung mga nagagawa rin ng mga artista kaya ang sarap sa pakiramdam. Marami pa ring opportunities na dumadating,” aniya pa.

Ano ang ipinagkaiba nila sa ibang grupo? Sagot ni MNL48 Jamie, “MNL48 really has its heart for what we’re doing. Not only are we skilled in performing, acting, and everything but nandu’n talaga yung puso, yung pag-blaze ng fire within us.

“The journey isn’t easy. Nothing is ever easy but as long as we have each other, as long as we still have the fire burning in our supporters along the way, we believe that what sets MNL48 apart from all of the other groups is that we have the heart for what we do,” aniya pa.

Paliwanag naman ni Center girl Abby, “Lahat naman ng groups, we have the same goals which is to make other people happy and inspire them.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Siguro the love na nabuo sa MNL48 sa first generation pa lang hanggang ngayon sa third generation, hindi niyo na matatanggal sa MNL48. And of course yung parang na-touch na natin yung other people’s lives. Yun ang pinaka-goal ng MNL48,” dagdag pa ni Abby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending