MNL48 dumanas muli ng matinding hirap bago ang bonggang ‘comeback’; hataw sa P-POPCON 2022
MATINDING challenges ang hinarap at pinagdaanan ng nagbabalik na all-girl group na MNL48 para sa 7th single nilang “No Way Man,” isang dance-centric na kantang may mensahe ng lakas ng loob sa harap ng mga pagsubok.
Pinangungunahan ng center girl na si MNL48 Abby ang “No Way Man” kasama ang Senbatsu members na sina Sheki, Jamie, Ruth, Ella, Jan, Andi, Jem, Yzabel, Princess, Lara, Coleen, Rianna, Lyza, Dana, at Dian. Pinakahihintay na pagbabalik ng grupo ang awitin dahil na rin sa paghihigpit dala ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay MNL48 coach Angel, “unforgettable” ang kanta hindi lang dahi sa mahirap nitong choreography kundi dahil na rin sa pinagdaanan ng grupo habang naghahanda para rito.
“Isang taon kaming nag-train tapos nahirapan silang mag-catch up kasi online lang lahat. Ang dami nilang na-experience at ‘yung lyrics ng kanta talagang swak sa mga pinagdaanan namin,” aniya pa.
Pinuri naman ng center girl na si MNL48 Abby ang mga miyembro ng grupo at kanilang MNLoves sa pagbibigay-inspirasyon sa kanya.
View this post on Instagram
“Nakita ko talaga na bawat member binigay ‘yung best nila para sa quality comeback. Nu’ng una nagduda ako kung kaya ko ba pero lagi kong iniisip na meron akong good support system sa sisters, co-members, at sa MNL48 fans na laging naniniwala sa akin,” sabi pa ni Abby.
“This seventh single has been one year in the making and within that period of time that we had to prepare, obviously may mga times na mado-down kami. Our red ocean, sabi nga ni Ate Jem.
“We experienced the red ocean na parang feeling namin, matutuloy pa ba ‘to. Some members already left us, and other behind-the-scenes tribulations came upon us,” pahayag ni Yzabel.
Samantala, nagpapakita naman ng growth ng grupo ang “No Way Man” ayon sa rank 2 na si MNL48 Sheki.
“Ipinakikita sa single ‘yung talent namin sa ibang genre ng pagsasayaw pati na ‘yung vocals namin saka ‘yung character ng bawat member. Ang ganda ng meaning ng song, talagang nire-reflect ‘yung buhay namin as MNL48 idols,” pahayag ng dalaga.
Napapanood na ang music video ng “No Way Man” sa MNL48 YouTube channel, na nagbibida sa mahusay na choreography sa rooftop at sa nakakabilib na sets.
Sa ngayon, meron na itong 395,000 views. Huling nag-release ng single na “River” ang MNL48 noong 2020.
Dapat ding abangan ng fans ng MNL48 na MNLoves ang paglalabas ng music card na may mini photobook at handshake ticket sa mga sususnod na araw.
Ngayong araw naman, hahataw din ang sa MNL48 Pinoy Pop Convention (PPOPCON) kasama ang iba pang sikat at baguhang P-Pop sa bansa.
https://bandera.inquirer.net/310342/mnl48-nagbabalik-para-sa-new-single-na-no-way-man-aktor-na-nagbalik-bisyo-ligwak-sa-malaking-project
https://bandera.inquirer.net/297955/alodia-sa-pakikipagbalikan-kay-wil-nakailang-comeback-na-kasi-pag-hindi-talaga-not-meant-to-be
https://bandera.inquirer.net/287498/p-pop-girl-group-na-bini-mas-bobongga-pa-ang-career-dedma-lang-sa-bashers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.