Petron Blaze Spikers, F2 Logistics Cargo Movers magpapakatatag | Bandera

Petron Blaze Spikers, F2 Logistics Cargo Movers magpapakatatag

- March 08, 2019 - 07:07 PM

Laro Ngayon (Marso 9)
(Muntinlupa Sports Center)
4 p.m. Petron vs Cignal
6 p.m. F2 Logistics vs PLDT
Team Standings: Petron (6-0); F2 Logistics (5-1); Cignal (4-2); United VC (4-3); PLDT Home Fibr (3-3); Sta. Lucia (2-5); Generika-Ayala (1-6); Foton (1-6)

MAIPAGPATULOY ang pamamayagpag sa pagtatapos ng unang round ang hangad ng Petron Blaze Spikers at F2 Logistics Cargo Movers sa 2019 Philippine Superliga Grand Prix ngayong Sabado sa Muntinlupa Sports Center, Muntinlupa.

Makakasagupa ng Blaze Spikers ang Cignal HD Spikers sa unang laro dakong alas-4 ng hapon habang ang Cargo Movers ay makakaharap ang PLDT Home Fibr ganap na alas-6 ng gabi.

Wala pa ring talo matapos ang anim na laro ang Blaze Spikers sa kumperensiyang kinatatampukan ng mga mahuhusay na import at suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project bilang technical sponsors.

Manggagaling ang Blaze Spikers sa 23-25, 25-14, 25-22, 25-18 panalo kontra Cargo Movers noong Huwebes ng gabi kung saan bumida ang mga import na sina Katherine Bell na nagtala ng conference-high na 31 puntos at Stephanie Niemer na nagdagdag ng 22 puntos.

Matapos matalo sa Petron, inaasahan na babawi ang F2 Logistics kontra PLDT, na ang tatlong sunod na panalo ay pinutol ng United VC noong Huwebes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending