Resbak ni JK Labajo: Mga asal hayop! Kaya pala hindi umuunlad ang bansa natin, eh!
Muling nagpakawala ng maaanghang na salita ang nagpasikat ng kanyang “Buwan” na si JK Labajo laban sa mga bashers na nanghuhusga sa kanya matapos kumalat ang video ng paulit-ulit niyang pagmumura at pag-dirty finger sa isang taong nanood sa “Rakrakan 2019” sa Circuit Makati.
Ito’y matapos ngang ma-bad trip si JK dahil sa pagsigaw ng nasabing member ng audience ng, “I love you, Darren (Espanto)!” Nagkaroon ng matinding away noon sina Darren at JK dahil sa malilisyosong tweet diumano ng huli.
Narito ang ilang bahagi ng panibagong hugot ni JK na kanyang ipinost sa Intagram Stories: “Wag ka manghusga ng tao dahil lang sa mga video na nakikita mo. Lalo na kung hindi mo alam ang tunay na konteksto Tsaka hindi porket nagmumura, masama na ang ugali. lumaki na ang ulo.
“Sa Pilipinas lang pinaka big-deal pag nagmura ang isang artist. bakit kaya? I’m a chill guy but then for sure hindi lang ako ang tao na napupuno rin. Obviously as a performer what I did was unprofessional but as a human being I think what I did was normal.
“Yun yung problema eh sobrang daming mga bastos at walang modo sa mga shows. Naghahanap ng paraan para mapansin. Mga asal hayop. Kaya pala hindi umuunlad ang ating bansa.”
Dagdag pa niya, “Tsaka oo nga pala. People need to learn that there are different personalities that me personally as an artist have. The me off stage, and the motherfu***ker you see on stage.
“I’d rather have you judge me if you know me well. If you know me personally. If you’ve been with me and my band somewhere na wala kaming ganap.
“Mahirap na magaya kayo sa iba na kung ano ang nakikita sa mga video na kumakalat grabe na agad makapanglait. Na kung ano ang chika chika na narinig grabe na agad makapanghusga.
“FILIPINOS AIN’T READY FOR ROCK AND ROLL. FILIPINOS ARE AFRAID TO APPRECIATE TRANSPARENCY FROM TRUE ARTISTS. HECK EVEN LISTEN AND PAY FOR TRUE ARTISTS.
“IM NOT SAYING ALL FILS OF COURSE BUT YOU KNOW WHAT I MEAN. THEY CAN’T STOP LOVING THAT SUGAR COATED PRETENTIOUS ANGELS THEY SEE ON TV. ‘UGH WHAT AN AMAZING HUMAN BEING SO KIND.’”
“Maraming Salamat sa lahat ng mga taong umintindi at sumusuporta sakin. mahal ko kayo. Panatiliing bukas ang isipan. Rock on!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.