Safe ba ang elevator ninyo? | Bandera

Safe ba ang elevator ninyo?

Den Macaranas - March 06, 2019 - 12:15 AM

NOONG isang linggo ay naging laman ng balita ang pagbulusok ng isa sa mga elevator ng Phillippine Bank of Communication (PBCom) Tower sa Ayala Avenue sa Makati City.

Sa kabutihang-palad ay walang namatay pero marami ang nasaktan sa nasabing insidente.

Dahil sa pangyayari ay muling nabuhay ang mga usapin kung gaano nga ba kaligtas ang mga elevators lalo na sa mga high-rise buildings sa Metro Manila.

Regular ba itong sumasailalim sa inspeksyon ng mga building officials o ng mga building administrator?

Kaugnay nito ay isang sumbong ang ating natanggap mula sa isang nagmamay-ari ng unit sa isa sa pinakamagandang apartment-condominium sa Libis sa Quezon City.

Natatakot sila na baka mangyari rin sa kanilang building ang hindi inaasahang insidente sa PBCom Tower.
Mula pa noong 2013 ay napansin na ng ilang residente sa lugar ang madalas na pagkasira sa kanilang mga elevators.

May ilang insidente na rin ng na-trap sa loob ng elevator bagay na naging madalas sa mga sumunod na araw.

Sinabi pa sa sumbong na ilang beses na nila itong ipinarating sa mga opisyal ng condominium unit owners association pero wala pa ring nangyari.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin nila ang tugon ng Megaworld na siyang developer ng ini-rereklamong condominium building.

Huwag naman sanang may insidenteng mangyari bago aksyunan ang reklamo ng ilang mga residente sa inirereklamong gusali.

Ang reklamo na aking tinanggap ay mula sa ilang unit owners sa condominium building sa Lubis sa Quezon City na EE….as in Eastwood Excelsior.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending