‘Ipinaglalaban ko si Kris Aquino nang patayan, pero…’
NAGKAKUWENTUHAN kami sa telepono ng kaibigan naming propesor. Mahabang pag-uusap ‘yun na kung saan-saang paksa nakarating.
Tagahanga ni Kris Aquino si prop. Batambata pa ang aktres-TV host ay sobra na ang paghanga nito kay Tetay. Matalino raw kasi si Kris, kayang dalhin ang sarili, lahat ng positibong salita ay ikinakapit nito nu’n kay Kris.
Pero sabi ni prop, “May panahon din palang mauumay ka sa kanya. Ipinaglalaban ko siya nang patayan, alam mo ‘yan, pero dumarating pala ang point na bibitiw ka na rin.”
Ang isang pinakaayaw ni prop ay ang pamimintas ni Kris sa mga naging karelasyon niya. Wala raw magiging kaibigang ex niya si Kris dahil puro ang kakulangan ng lalaki ang hinahanap niya.
“’Yun ang pinakaayaw ko. I witnessed everything. I saw all of them. Lahat ng ex niya, e, nasubaybayan ko, nakatutok nga kasi ako sa buhay at career niya.
“But if you notice, it’s all money. Puro pera ang isinusumbat niya. Masakit yun para sa mga nakarelasyon niya. Hindi naman nagpanggap na milyonaryong tulad niya ang mga naging karelasyon niya, di ba?” sabi pa ni prop.
Ganu’n din ang obserbasyon ng mas nakararami, parang sa pera sinusukat ni Kris Aquino ang tao, sagana siya sa mga materyal na bagay pero maligaya ba naman siya sa mga meron siya?
Hindi naman nabibili ng pera ang kaligayahan. Hindi rin natatapatan ng salapi ang katahimikan ng kalooban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.