Retokadong male personality desperado na, 'ibinebenta' ang sarili sa mga politiko | Bandera

Retokadong male personality desperado na, ‘ibinebenta’ ang sarili sa mga politiko

Cristy Fermin - March 06, 2019 - 12:15 AM

SPELL M kung tawagin ng marami ngayon ang isang nagtangkang makilalang male personality pero nabigo.

Wala pa kasi siyang napapatunayan kundi ang kaliwa’t kanan niyang interbyu ay inalihan na siya agad ng kayabangan.

Inuna niya ang kaangasan, nag-feeling sikat agad siya, kaya anyare? Nadiskaril ang pinapangarap niyang sumikat. Waley agad siya.

Kuwento ng isang source, “Makapal talaga ang mukha ng taong ‘yun! Imagine, dahil sa tindi nga ng pangangailangan niya, e, dumating na siya sa point na lumalapit na siya sa mga tauhan ng mga pulitiko para kunin siya sa kampanya!

“At hanggang sa ganyang sitwasyon niya, e, mayabang pa rin si mokong! Kapag narinig na raw ng audience ang pangalan niya, e, siguradong magkakagulo na dahil kilalang-kilala siya ng mga kababayan natin!

“Ganu’n pa rin siya kahambog, kilalang-kilala raw siya. Well, may point naman siya, kilalang-kilala siya sa kahambugan!” buwena-manong chika ng aming source.

At ang nakakaloka pa ay malaki ang hinihinging talent fee ng retokadong personalidad. May kasama raw kasi siyang grupo, marami raw silang sasayaw, saka gusto rin niyang humingi ng service van sa mga pulitikong kukuha sa kanyang serbisyo.

“The height! Nagko-command pa siya ng presyo! May dance group daw kasi siya, pero puwede rin siyang kumanta, kailangan daw nila ng service para hindi sila mahirapan sa pagbibiyahe.

“Nakakaloka talaga ang male personality na ‘yun! Bogus na bogus ang mga kadramahan niya! Bokya na nga, e, mayabang pa siya, kaya ang ending, walang kumukuha sa serbisyo niya!

“Kung naging humble lang sana siya. Kaso, retokado na nga siya, e, namintas pa siya nang namintas ng mga artista para lang mapag-usapan siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nasaan na ang mga rah-rah boys niya, iniwan na siya, dahil wala rin namang nangyari sa career niya! Tantanan na kasi ang kayabangan, tanggapin na lang niya ang katotohanan na bumalik na uli sa dati ang itsura niya!

“Retokado na nga ang face niya, e, retokado pa rin ba ang ugali niya? Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigyan n’yo nga ng bigwas ang mokong na ‘yan para mauntog na siya sa katotohanan!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending